Isinantabi ko ang nararamdaman kong selos. Tumikhim ako at tinawag ko ng mahina si Kier. Naunang lumingon si Cristina at sinamaan agad ako ng tingin. Agad namang lumingon si Kier sa akin at tila nagulat pa ng makita ako. Agad siyang humiwalay kay Cristina at lumapit sa akin. "Oh! Anong ginagawa mo rito? Sana hindi kana sumunod baka makasama pa sa 'yo. Uuwi rin naman ako." Alalang-alala na sambit niya. Niyakap niya ako kaya nakita ko ang hindi maipintang hitsura ni Cristina. "Uhm... Sinadya ko talaga si Dok Mendez. Magpapacheck-up ako sa kanya ngayon. Gusto kong malaman kung healthy ba si Baby o hindi." Hindi ko pinansin ang masamang tingin ni Cristina sa akin. Humiwalay ako ng pagkakayakap kay Kier at inayos ko ang gusot niyang damit dahil siguro sa pagbuhat nito kay Harry kanina. "Kam

