Pagdating namin sa mansion ay bumaba agad si Daddy ng kotse. Dire-diretsong pumasok sa loob at hindi man lang ako tinapunan ng tingin. Nakasunod ang mga mata kong nakatingin kay daddy. Gusto ko sana siyang kausapin tungkol kay Kier at Cristina na wala naman na talaga silang relasyon at si Cristina lang ang nag-i-insist pero ayaw kong pagsabay-sabayin ang nararamdamang sama ng loob at galit ni Daddy dahil alam kong kanina pa ito nagtitimpi ng galit at baka kapag sumabog ay sumama na naman ang pakiramdam nito. Lumabas na rin ako ng kotse at kinuha si Keira kay Tiyang Loleng na ngayon ay natutulog na sa mga bisig nito. "Tiyang, ako na po ang bahala kay Keira. Magpahinga na po kayo ni Tito Ricardo." "Sige anak, magpahinga ka na rin at huwag ng masyadong mag-isip. Huwag din sana sasama ang lo

