Pagkatapos kong mag maglinis ng katawan at magbihis ay bumaba na agad ako pero wala na ang mga bisita na kasama ng mga magulang ni Sir Kier. Si Sir Kier na lang at ang Mommy nito ang nakita kong nakaupo sa sofa at mukhang may pinag uusapan. Nang makita ako ay malaki ang ngiti ng Mommy ni Sir Kier sa akin na ipinagtaka ko. Iba kasi ang inaasahan kong magiging reaksyon nito. "Come here, Hija. Maupo ka dito sa tabi ko." tawag nito sa akin. Napaawang ang labi ko ng ayain ako nito at paupuin pa sa mismong tabi nito. Si Sir Kier naman ay nakahabol lang ng tingin sa akin. Nakasuot ako ng malaking T-shirt na above the knee dahil mahilig ako sa ganitong klase ng damit dahil maaliwalas sa pakiramdam. "Ikaw na ba ang anak ni Cynthia? Ang naging anak anakan ni Loleng?" Manghang tanong nito sa akin.

