Kier's POV Napadesisyunan ko ng ipalibing na si Daddy Ignacio kahit na walang pahintulot ni Akira. Daddy needs to rest in peace. Hindi man naging maganda ang pagkamatay niya dahil hindi man lang siya nasilayan ni Akira lalo na sa huling hantungan nito pero siguro naman ay maiintindihan iyon ng asawa ko. Ngayon pa lang ay nalulungkot na ako para sa asawa ko. I know how she loves her daddy so much. Naging okay na ulit ang lahat. Nagkamalay na rin si Daddy Lyndon at balak na nilang umuwi ng pilipinas para bisitahin na rin si Akira at ang bagong miyembro ng aming pamilya. Ang inaalala ko na lang ay si Akira dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin nagbabago ang kondisyon nito. She's still in her life support. Nailabas na rin ang kambal sa incubator. Pinangalanan ko silang Keiro and Akihiro. Al

