Weekend kaya naman nagpahanda si Auntie Lilibeth ng isang salo-salo sa hardin. Magkatabi si Sir Kier at ang Mommy niya habang kami naman ang magkatabi ni Henry. Si Uncle Lyndon ay nasa pinakadulo ng mesa. Katapat ko sa upuan si Sir Kier katapat naman ni Auntie Lilibeth si Henry. Nakakatuwa dahil magaan ang pakikitungo ni Auntie Lilibeth kay Henry hindi kagaya nung ibang madrasta na hindi matanggap ang anak ng asawa sa labas. Although, hindi ko pa naman talaga alam ang kwento nila dahil hindi rin naman nagkukwento sa akin si Henry. Napakadami niyang kwento sa amin na lalong nakakapagpasaya sa hapagkainan. Maya maya ay ako naman ang tinanong niya. Kaya napahinto ako saglit sa pagkain ko. "Akira, ikaw ba ay may boyfriend na?" nasamid ako sa tanong niya sa akin kaya naman agad akong inabutan

