Akira's POV Halos buuin ko ang nasirang cellphone kahit na alam kong imposible ng mangyari. "Sir Terrence, nandyan na po si Arzenio." pagbibigay alam ng isang katulong. Hindi rin nakaligtas dito ang pagkagulat ng makita ang cellphone na nasa sahig at hiwa-hiwalay na. "Okay. Sabihin mo, lalabas na rin ako." saad nito sa katulong na agad namang umalis sa tapat ng pintuan. Walang salita na lumabas si Terrence. Nagtataka naman ako kung sino si Arzenio. Sabagay, paano ko ba makikilala ang circle of friends niya kung wala naman siyang ipinakilala sa akin noon kahit isa nung kami pa. Kahit nga itong Island, hindi ko rin alam na may itinatago pala siyang ganito karangyang tahanan at napapalibutan pa ng karagatan. Tumayo ako at sumilip sa bintana. "Speed boat?" nasambit ko ng makakita ako ng

