Nakaupo ako sa buhanginan sa tabing dagat habang pinapanood ang maliliit na alon. Papasikat pa lang ang araw kaya kay sarap pagmasdan ng kalangitan. It feels like a fairytale dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwalang kasal na ako sa dating Boss ko lamang. Napapikit naman ako ng maramdaman kong may yumakap sa akin mula likuran ko. I know, It was him. The manly scent na ang sarap amuy-amoyin. "Kanina ka pa ba gising?" he said while kissing my neck. "Yeah, a bit." I answered habang dinadama ang halik niya sa aking leeg. Nakayakap siya sa akin habang nakaupo ako, nakalagay ang magkasiklop kong braso sa tuhod ko habang ang mukha ko ay nasa ibabaw nito. "Dapat ginising mo ako para sabay tayong pumunta dito habang inaabangan ang sunrise," may hinampong tono ng boses niya. "Na

