Commemoration Bethany I don't remember how many minutes have passed when Joanne calmed down. She stayed around my arms, embracing my warmth. I continuously caressing her hair as if it will add to keep her calm. "Gusto mo bang pumasok na tayo sa loob?" Mahinahon kong tanong sa kanya. "Ayaw ko pa po," sagot naman nito. Nakita ko naman sa gilid ng aking mga mata ang tahimik na paglapit sa amin ni Wilder habang dahan dahang umuupo sa aming tabi. "Are you both okay?" Mahina nitong tanong sa aming dalawa. Sumagot lamang ako sa kanya ng tango at mukhang walang balak makipag usap si Joanne kaya hinayaan na lamang namin. Sinenyasan ko sya sa pababain na muna ang ibang narito upang hindi na mapansin pa ni Joanne. Tumagal ang halos limang minuto bago mapagpasyahan nito na bumaba na kasama ko.

