Pride Competetion
I will be a liar if I didn't get moved by Wilder's continuous effort on proving himself to his father, to the company, to the people around him and to me. Everyday, he is doing his best to compete and trying to win to himself. Now that his father noticed him, I am sure that he will be happy when he find out.
"Congratulations," Chairman Dela Calzeda announced.
Nandito kami ngayon sa meeting room. Kaming dalawa lamang ang narito at nag-uusap.
"For what occasion, Sir?" I asked cluelessly.
"I want to congratulate you since you've made the right decision on helping my son," he smiled genuinely.
"It is part of my job, Sir. Ginagawa ko lang po kung ano ang sa tingin ko ay tama at makakatulong sa kanya." I stayed humble.
Kahit todo na ang pintig ng aking dibdib. Hindi dahil sa kaba, kundi dahil sa galak. Iyon lamang naman ang aking gusto. Ang mapansin si Wilder ng kanyang ama bilang isang responsable at maasahang tao. Ang susunod na mamumuno ng kumpanyang ito.
"Isang buwan na lamang ang nalalabi para matapos ang kanyang pag-eensayo sa industriyang ito. Baka sa pagkakataong iyon, maibigay ko na ang trabaho niya." Saad ng matandang Dela Calzeda sa aking harapan.
"Nakakasiguro po ako na hindi niyo pagsisisihan ang magiging desisyon niyo. Nalalapit na ang panahon at handa na po si Widler." Sagot ko.
He is not just ready. He is born to be ready in this field. I have seen his improvement for over five months now. All of his achievements, experiences and challenges were the witness of his journey. All the people that stayed true and believed in him, they serve as his strength to continue and not give up.
"I have something for you," the Chairman slid his hand to his inside suit pocket. He placed a small rectangular brown envelope on the table in front of me.
"What is this, Sir?" I held the envelope and felt the thickness of something inside it.
"A gift," he uttered.
A gift for what? I don't remember anything special today that the Chairman will bother to give me a gift.
Hinanap ko ang bukasan ng envelop na ito. Masyado iyong madikit kaya kakailanganin ko ng gunting ngunit sa pagkakataong ito ay wala akong mahagilap na ganoon. Hindi ko gugustuhin na masira ang kung ano mang nasa loob nito kung pipiliin kong marahas itong buksan ngayon. Hindi ko pa man alam ang nasa loob nito ay nahihinuha ko nang importante ito.
"Open it when the right time comes," he stopped my hand.
I am really curious about it. I want to know what's inside right now.
"Okay," I stopped my hand.
Nilapag ko sa lamesa ang envelop at tinitigan na lamang ito.
Pinagusapan namin ang mga magaganap sa nalalapit na sports festival sa susunod na linggo. The Chairman will support the financial expenses while we; department managers will manage everything. It is sad when he said that he cannot come since he will be out of town to visit his wife in the province. The Chairman's wife chose to have a vacation in the province since she misses the green field and fresh air with less vehicles and noisy horns.
"Can you call Wilder for me?" He requested.
"No problem, Sir." I said immediately.
Tapos na ang aming usapan kaya malamang ay kakausapin din nito ang kanyang anak. Dahil narito na lamang din naman ito ay mabuting mag-usap nga ang dalawa sa mga plano at iba pang gagawin para sa kumpanya.
Palapit ako sa kanyang kinatatayuan nang makita ko na madami itong ginagawa. Binagalan ko ang aking lakad upang hindi niya ako mapansin at para na rin masilayan kung ano man ang umookupa sa kanyang oras sa ngayon. His screen was split into two communication medium, the right side was for w******p while the left was for f*******: Messenger. Answering all the inquiries he have and multitasking while answering phone calls.
I secretly read the conversation he have with his client as of the moment. He is respectful in replying. He chose words carefully and made sure that the client is comfortable.
"He's doing great, right?" Jom interrupted my so-called-disguise behind him. Katabi lang naman nito si Wilder kaya hindi ako nangangamba kung hindi ako palaging pumupunta dito para obserbahan ito.
"Yeah," I answered. I'm not gonna lie since he really impressed me.
Nang marinig ni Wilder ang aking boses ay humarap ito sa akin. Naawa akong bigla nang makita ko ang pamumula ng kanyang mga mata habang para itong naluluha. Matagal itong nakatitig sa monitor at naaapektuhan ang mga mata nito sa radiation.
"Chairman Dela Calzeda is waiting for you in the meeting room," I said.
He looked at me intently. Roaming down to my hand that is holding the brown envelop. I immediately hide it when he noticed.
"Come, now." Utos ko at nauna nang maglakad sa kanya.
Nakasunod ito sa aking likod hangang mapunta kami sa meeting room. Pagpasok roon ay nauna si Wilder. Yumuko ito sa kanyang ama bago ito umupo sa silyang inupuan ko kanina. This talk will be between father and son, so I should leave.
"Come seat next to him, Bethany. I would like to talk something else to the two of you." The Chairman said.
Kagaya ng sinabi nito, umupo ako sa silyang katabi ni Wilder. Muling humuhot ng brown envelop ang Chairman sa bulsa sa loob ng kanyang suit at nilapag ito sa harapan ni Wilder.
"Open it," utos nito.
"What is it, Sir?" Wilder aksed with respect to the Chairman.
"You'll see," the Chairman said.
Knuha nito ang envelop at pinunit and dulo nito. Makapal na na mga papel ang nasa loob at puno ng mga litrato ng lugar. Hindi ako pamilyar doon kaya gusto kong malaman kung ano ang gagawin ni Wilder dito.
"That is your final task, son. Do it after the sports festival." The Chairman said.
He gave his son a final task. Wilder reviewed the papers thoroughly. And I am still curious about that.
"Pardon me, Sir. May I know what's the task all about?" What does it have to do with me?
"That place is Batanes. You need to sell it to me." Seryosong saad ng ama nito.
Kampante si Wilder dahil para sa kanya madali lamang ang pagsubok na binigay sa kanya ng ama. Sabi nito, para lamang siyang nagbebenta ng ticket at visa sa mga kliyente na sinasamahan lang ng pangungumbinsi.
But for me, a task given by the Chairman is not just a task. It may sound simple and easy, but I am not convince by what he wanted to happen.
"Are you not curious at all?" I asked Wilder out of the blue.
It is lunch time and we decided to eat the cafeteria with Jom. Just the three of us in one table.
"About what?" SI Jom ang sumagot.
"I am not talking to you, Jom. I am asking Wilder." Pagtukoy ko sa kanya.
Tumigil sa pagsubo ng pagkain si Wilder at hinarap ako.
"What should I be curious about?" He asked.
"About your father's task," I said.
He didn't even flinched. Hindi niya ba talaga naiisip kung ano ang ibig sabihin ng kanyang ama? Hindi naman siguro ganoon kadali ang gustong mangyari nito. Just like in interviews. If the person said to sell the pen they're holding, you should sell it differently. With different approach. With artistic way. And in unique way.
"The task is easy. I will sell it to him after the games." Muli itong sumubo ng kanyang pagkain.
"Ano ba kasing iniisip mo?" Jom asked.
"I am just not satisfied by whatever he wanted to do," I pointed Wilder.
Hindi ako mapakali kasi alam kong may ibig sabihin ang sinabi ng matanda sa amin. That is not a simple task if he called it a final task. There's a level in that. For over five months, I've been training him to be ready by the presidential position. The levels are easy, moderate and hard.
Easy, when we learned the background of the company. The products we sell to the market. The organization that we have. Total number of office branches, total number of employee, total number of departments. Moderate, when he agreed to work in the area. When he agreed to grow with others. When he started to handle different kinds of clients. When he started to sell and handling complains. And the last level is hard. I think that this final task will be the hard one.
It should be critical. It should be presentable. It should be something that all his efforts will be used.
"How many stages are there in a challenge?" I asked Wilder.
"What are you talking about, Bethany? Hindi ka pa rin ba tapos diyan?" Sumingit na naman si Jom sa pagtatanong ko.
"There are three stages. Easy. Moderate and Difficult." Sumagot naman si Wilder.
"Exactly! In this training, which stage do you belong?" I asked desperately.
"I am sure that I passed the easy stage. Moderate, I guess?" He's conscious.
"Yes! You're still in moderate stage. And when he said the final task, what comes to your mind?" You are near, Wilder. You can do this.
Final task. Hard. The last stage of the challenge is a difficult level.
"Final task is a hard level in a challenge," He said. Yes! Bingo!
"That's it! That's what I am thinking." Pagpunto ko.
Wilder realized my thoughts. Kahit pagbaligtarin man niya ang lahat, alam naman namin pareho na tama ang sinabi ko.
Final task will never consider as final if it is not difficult.
"Then, what should I do?" He suddenly asked.
That is my question too. What could we possibly do to pass this hard level of challenge? I run out of ideas since it is lunch time. We supposed to eat and enjoy the meal but instead we talked about something else.
"Mamaya niyo na isipin kung ano man iyon. Kumain muna tayo dahil patapos na ang break." Jom is right.
Mabilisan naming tinapos ang aming pagkain bago umakyat sa opisina. Sa oras na bumalik kami sa trabaho, siguro ay makakaisip ako ng mga ideya kung paano namin gagawin ang pagsubok na binigay kay Wilder.
Today is Monday and we're here at the entrance of the building, waiting for our bus service. Hindi pa man sumusikat ang araw ay nagtitipon na dito ang mga empleyado para maghintay. Tinipon ko ang mga empleyado para sa aking departamento at ganoon rin ang ginawa ng ibang manager. Apat na bus and nirentahan namin dahil kulang ang dalawang company van sa dami ng empleyado.
Dahil hindi naman pwede na magtipon ng maraming tao dito sa harap ng building, ang ibang mga empleyado ay nasa taas ng opisina at ang iba naman ay nasa loob ng lobby.
"Excited na ako, Ma'am." Sabi sa akin ni Cherry.
"Ako din po. Gusto ko nang mag-volleyball." Sabi naman ni Sandra.
"Maghintay lang tayo at magaganap din ang mga gusto niyo. Mamaya ay parating na ang mga bus." Sabi ko.
Ilang minuto na lamang at darating na ang mga bus para masakyan na ng mga empleyado. Kailangan na makarating kami sa clubhouse ng tama sa oras para tuloy-tuloy ang daloy ng mga programang hinanda namin para sa mga ito.
"Ms. Beth, parating na ang apat na bus." Lumapit sa akin ang manager ng IT department.
"Sige. Paunahin mo na muna ang grupo mo. Sa huling bus na lang kami." Usad ko.
Anong oras na ngayon ngunit wala pa rin si Wilder. Sinabihan ko na siya na hindi siya pwedeng mahuli dahil mauubusan siya ng upuan sa bus.
Ako:
Where are you? I told you to come early!
Nagpadala ako ng mensahe sa kanya nang hindi siya sumasagot nang sumubok akong tawagan siya.
"Si Sir Wilder po ba iyon?" Pagtukoy ng bagong empleyado sa kakarating lamang na itim in Range Rover.
"Wow! Ang ganda naman ng sasakyan niya." Puna ni Sandra nang makalabas ito sa kanyang sasakyan.
He walked confidently towards us. Umilaw ang kanyang sasakyan nang pindutin niya ang remote key nito. Bakit naman nagdala ito ng sasakyan? Wala naman akong sinabi na magdala pa siya.
"Good morning," he greeted the girls.
"Good morning Wilder!" Sabay-sabay ng mga itong bati.
So you uses your charm now?
"Good morning, Ms. Bethany." He lowered his head just to level my face.
"Bakit ka nagdala ng sasakyan? Sayo ba talaga iyan?" Tanong ko.
"I own two cars," he whispered.
Kung ganoon, ang mamahal ng brand ng sasakyan niya. Ang sedan na aming ginagamit tuwing Sabado papunta sa orphange ay puting Lexus at itong itim na Range Rover ay kanyang isa pang sasakyan na SUV.
Wala na ba talaga silang mapaglagyan ng pera nila?
"Sabi mo kasi baka mawalan tayo ng upuan kapag nahuli ako. Kaya nagdala ako ng sariling sasakyan."Sabi nito.
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis sa sinabi niya. Basta ang gusto kong mangyari ay tirisin siya gamit ang aking kuko.
"Sa akin po sasabay si Ms. Bethany. Susunod na lang po kami sa likod ng huling bus." Anunsyo niya.
Kinuha pa niya ang aking mga gamit at nilagay iyon sa trunk ng kanyang sasakyan. Walang paalam na hinila niya ang aking maleta palapit sa kanyang sasakyan. Alam kong tatlong araw lamang ang itatagal ng sports festival na ito ngunit dalawang maleta at isang hand carry ang dala ko. Sa malaking maleta nakatago ang mga papremyo sa mga mananalo, isang maliit na maleta para sa mga gamit ko at isang dalawang kilong hand carry para sa mga personal na gamit ko.
"We have bus service here!" Sigaw ko.
"I know," he said.
"Then, why the hell did you bring your car?" Tanong ko.
"To impress you," he smiled.
What?
Sinadya niyang magpahuli para lamang madala ang sasakyan niya. Para makasabay ako sa kanya. At para magpa-impress?
"Para na rin masolo kita," sabi nito na may kasama pang nakakakilabot na kindat.
Nang makumpleto ang lahat at mapuno ang apat na bus ay saka ko hinubad ang aking jacket at itinali ito sa aking baywang. Sumisikat na ang araw kaya nakakaramdam na ako ng init. Pinasok ko ang apat na bus para magbilang ng mga pasahero at pagbilinan ang mga manager sa mga gagawin.
Nang sumapit ang alas syete ay tinatahak na namin ang daan papunta sa clubhouse. Lalabas kami ng Maynila dahil nasa Laguna pa ang narentahan naming resort para pagdaungan ng aming sports festival.
"You look good in rash guard," Wilder said while driving.
"Thanks," I answered.
Luckily, the black rash guard that I bought was not too revealing. It has long sleeves that's above the elbow, a cycling shorts just above the knees as well. It's a one piece rash guard that I had a hard time wearing it. It come with a jacket as well. I just paired it with a panelled walking shoes by Skechers.
"Yes. Turn right. Makikita niyo naman iyon kasi may malaking signage." I said. Jom called asking for directions going to the resort.
"Bagalan niyo na lang takbo muna. Sabihin niyo sa drivers." Suhestiyion ko.
Nang bumagal ang mga bus na nasa aming harapan ay bumagal din ang takbo ni Wilder.
"Oh yes! We saw it! We're here!" Jom declared in excitement.
Mahigit dalawang oras ang tinagal ng byahe at nakakaramdam na rin ako ng gutom. Nagkape lamang ako kanina at hindi na naisipang mag-almusal pa. Mapapatagal pa bago kami makapasok sa loob ng resort dahil apat na bus pa ang aming nasa harapan.
"I'm hungry," I said.
"I have french toast at the back," Wilder said.
French toast again? Nadala na ako sa ginawa nitong french toast noon na tipong binabad sa asukal sa sobrang tamis.
"I want something else," I rubbed by belly. Ikaw pa ang maghahangad ng iba?
"Okay, just wait. I'll buy you something else when we get inside." He said.
I happened to notice that he looked flashing today. His bright aura says something. An algae green T-shirt, a slightly tattered denim shorts and a white sneakers. Simple outfit but hard impact to mine.
Everything was doing fine. Some of the employees are in their rooms right now, unpacking and resting. There are four employees in one room, with two king sized bed.
"We will rent another one for us, if you want." Wilder suggested as he saw my room.
"No we can't. And I don't want to." I decline.
Kasam ko si Jom sa isang kwarto. Kami lang dalawa sa room na ito. Mas maliit ito kumpara sa dalawang kama ng mga empleyado. Ito ay isang king sized bed lang, tama lang para sa dalawang tao.
"Ayoko kasi na may kasamang ibang tao sa kwarto," anito.
Hinarap ko siya. "Kailangan mong makisama, Wilder. Kaya tayo narito para doon." Sabi ko.
"Makikisama ako sa ibang bagay. Ngunit hindi ko gugustuhin na may kasamang ibang tao sa kwarto... kung hindi ikaw." Pabulong pa niyang sinabi ang huling mga salita.
Hinanpampas ko ang kanyang braso sa takot na baka may makarinig sa sinasabi niya. "Maghinay ka nga sa sinasabi mo. Oo na! Magrenta ka na ng isang kwarto para sa sarili mo!" Sabi ko.
Inayos ko ang aking mga gamit sa kabinet sa kwartong ito. Mamayang ala una, pagkatapos ng tanghalian ay magsisimula ang unang palaro. Ang hinihintay na laro ng ilan na basketball at volleyball ay mangyayari pa sa huling araw ng team building na ito.
"I like your outfit, girl!" Komento ni Jom sa suot kong rashguard ngayon.
"Salamat," sagot ko at nagpatuloy na sa pag-aayos ng aking gamit.
"Let's go, it's lunch time." Aya ni Jom nang mauna itong matapos sa pag-aayos ng gamit. Suot nito ang malaking sumbrero at malaking salamin. Ang see through nitong cover up ay sumasabay sa bawat galaw nito.
Sa hapagkainan ay maingay ang bawat isa. Tungkol sa mga palaro ang kanilang pinaguusapan at hindi na sila makapaghintay na umpisahan ito. Pinaghimay ako ni Wilder ng isda dahil hindi ko iyon magawa sa pwesto ko at siksikan kami. Katapat ko siya ngayon at hindi ito kumakain hangga't hindi ako sumusubo ng pagkain ko.
Nang matapos ang tanghalian ay sandali kaming nagpahinga para magpababa ng kinain. Kaming mga manager ay naghahanda na ng mga gagamitin para sa unang palaro. Ang mga unang manlalaro ay pumipila na rin at naghahanda na.
"Today, simple games muna tayo. Warm up muna." Sabi ko.
Nagtawanan ang mga ito at nagpatuloy sa pakikinig. "Ipapaliwanag ni Ms. Jean ang mechanics ng game." Binigay ko ang lapel sa kanya para siya na ang magsalita.
"How's lunch guys? Masarap?" Jean asked. Nasundan naman ng tawanan ang kanyang tanong.
"Okay. The first game that you we need to play is Tag of War. Who's familiar by that game?" Lahat kami ay nagtaas ng kamay.
"That's good. Hindi na rin ako mahihirapan magpaliwang ng mechanics." She said.
Despite of that, she still explained everything about the game. The mechanics and the price they will get when they win. Mas nabuhayan naman ng loob ang mga empleyado nang mabanggit ang mga papremyo.
"Kung sino ang mga mananalo, lapit lang kayo kay Ms. Bethany. Okay?" Saad ni Jean. Dahil nasa akin ang mga papremyo kaya ako ang mamamahagi ng mga ito sa mga mananalo.
The price are all useable. Most of them are office supplies, some are personal things and some are cash prizes provided by Mr. Chairman.
"Okay, players. Please line up!" Utos ni Jean.
Kasali ako sa unang palaro na ito kaya sumama rin ako sa pila. At dahil ako ang ginawang team leader ng aking miyembro ay ako ang nasa unahan. This game is between the sales department. Shuffled ang pairings kaya ang ibang miyembro ko sa aking team ay nasa kabila. Kabilang doon si Wilder at ito naman ang ginawang lider ng mga ito kaya pumwesto din ito sa unahan.
Magkaharap kami ngayon ay nagtititigan. Umiiral na naman ang aking pride na kailangan kong manalo nayon.
"Do you think that I can be easy for you?" I smacked him.
"Well, I will not have mercy even if it's you." He strikes back.
"I too will not have mercy in you and your team," I faked my smile.
"Bring all the strength that you can. This will be hard for a first game." He grabbed the rope.
"Okay. Bring it on." I also grabbed the rope on my side.
Walang nagpapatalo sa aming titigan. This is our similarity together. When the game is on, we are strangers. We are both holding our pride and wanting to win whatever happens.
"Tumataas na po ang tension sa pagitan ng dalawang grupo! Ano po ang hinihintay? Simulan na ang hilahan!" Boses ni Jean ang muling nangibabaw.
Humigpit ang hawak ko sa lubid nang magsimulang magbilang ang mga tao. Simula lima pababa ang kanilang bilang at hindi ko na mamalayan kung mabilis ba o mabagal ang kanilang pagbibilang.
"Three, two, one! Hila!" That's the cue.
Walang pagaalinlangan kong hinigit sa aming direksyon ang lubid. Buong lakas at pwersa ang aking ginamit para lamang maabot ang pulang tela sa gitna. Lumulubog ang aming paa nang dahil sa pino at malambot na buhangin kaya naging mahirap sa amin ang balanse.
"Hila!" Sigaw ko.
Ginagawa ko ang lahat para mapunta sa aming direksyon ang lubid ngunit palagi iyong napipigilan ng kabilang grupo kaya bumabalik na naman kami sa umpisa.
"Aray!" Narinig ko ang boses ni Clara na nasa aking hanay. Mabilis ko itong tiningnan at nagsugat ang kanyang mga kamay nang mabitawan nito ang lubid.
Nagkaroon ng pagkakaton ang kabilang grupo para mahila kami dahil nabawasan kami ng isang miyembro. Ngunit hindi ako nagpatinag at buong lakas na pinigilan ito.
Wilder is taking this game seriously. Kahit hindi ito magsalita, nakikita ko sa kanyang ginagawa na gusto niya itong mapanalo.
Kaunti na lang maaabot ko na ang pulang tela. Kaunting hila pa at mapapasakamay ko na ito.
"Pagbilang ko ng tatlo, buong pwersa kayong hihila kasama ko." Anunsyo ni Wilder sa kanyang grupo ngunit sa akin ang tingin nito.
"Isa! Dalawa! Tatlo! Hila!" Sigaw nito.
Ngunit talagang hindi pumapanig sa akin ang tadhana. Nang hilahin ni Wilder ang tali papunta sa kanilang direksyon ay naabot nito ang pulang tela. Kasabay ang pagkawalang balanse ng aming grupo at tumilapon kami sa buhangin.
Mabilis ang kilos ni Wilder at nahagip niya ang aking baywang. Imbis na katawan ko ang bumagsak sa buhangin, katawan ko ang pumangibabaw sa katawan ni Wilder.
Narinig ko ang hiyawan ng mga tao nang maganunsyo kung sino ang nanalo. Hindi man lang ako natinag at nanatiling gulat at tulala sa pwesto namin ngayon.
"I'm sorry," I finally spoked.
Tinuon ko ang aking mga kamay sa kanyang matipunong dibdib para sa balanse sa pagtayo. Humapdi ito nang alisin ko sa kanyang dibdib ang aking mga palad.
"s**t," I cursed at the pain.
Namumula ang aking mga palad at may mga gasgas din ito.
"Let me see," he grabbed both of my wrists.
"Wala ito. Hugasan ko lang at lagyan ng ointment. Okay na." Binawi ko sa kanya ang aking mga kamay.
"No. That is not okay." He grabbed one of my arms again and turned. "I will treat Ms. Bethany's wounds. It's my fault anyway." After that, he stormed out while pulling my arm.