Dreaming "Dude, what are you doing?" Hinablot ko ang susi ng kotse ni Oliver. Kailangan kong humabol kay Bethany papuntang airport. "I'm really sorry, pre. Kailangan ko lang siyang habulin." Hindi na ako naghintay ng sagot sa kanila at tumakbo na palabas. Pinaharurot ko agad ang sasakyan nang makarating na ako sa kalsada. Kailangan kong maabutan si Bethany. I just didn't understand. What does her sorry means? And she just left. "Please pick up the phone, baby." Paulit-ulit kong tinatawagan ang telepono ni Bathany ngunit hindi niya ito sinasagot. Sumabay pa sa init ng aking ulo ang mabigat na trapiko kaya napahinto ang sasakyan. Hindi ako tumitigil hangga't hindi niya sinasagot ang tawag ko. Hindi ako pupunta ng airport para pigilan siya sa pag-alis, gusto ko lang malaman ang taman

