Nakatayo sa terrace ng mansyon si Austin. Malalim na ang gabi pero maliwanag pa rin ang kapaligiran dahil sa mga ilaw na nagbibigay liwanag sa kabuuan ng mansyon. Kahit sa labas ay maliwanag rin kaya naman nakikita niya mula sa kinapwepwestuhan niya ang malaking swimming pool na nasa likuran ng mansyon kung saan mag-isang lumalangoy ngayon si Thunder. Bawat galaw nito ay kanyang pinagmamasdan mula sa pagkampay ng mga braso at mga kamay nito hanggang sa paggalaw ng katawan at mga binti nito. Hindi maikakaila na magaling si Thunder sa paglangoy dagdagan pa na nakakadagdag sa paghanga ni Austin sa galing nito ang pagiging hot kapag lumalangoy. Nakikita niya ang magandang hubog ng likuran nito, ang pag-flex ng mga braso at mga binti nito. Basang-basa ng tubig ang hubad nitong katawan at tangi

