Kabanata 1

1315 Words
"THEY are getting an annulment." Napangiti si Demi nang marinig ang ibinalita ng kaibigang si Sonja. She put the phone in speaker mode then grabbed her cup of tea to sip some. Oh, she had waited years to hear those words, at ngayong nadinig niya na ang napakagandang balita, hindi niya mapigilan ang kanyang pagngisi. "Pinoproseso na ba?" tanong niya habang naka-dekwatro sa kanyang clinic. "Yeah. Two months ago pa raw nai-file ang annulment pero sinubukan nilang itago sa publiko nang hindi makasira sa pangalan ng mga Santi Vlanco. Uuwi ka na ba?" tanong ni Sonja. "I think so. Kaunti na lang at tapos na ang pediatric clinic ko diyan. Maybe it's time to speed up the renovation." "May bali-balita na kaya natuloy na ang annulment ay dahil sa pagpapatayo mo ng clinic," ani Sonja na nakapagpangisi kay Demi. "Why? Rancho's wife is still insecure with me?" she asked while tapping her fingers on the table. "Alam mo namang malaki ang selos ng babaeng iyon sayo. Rancho defied his family--" "He played my heart." Kumuyom ang palad ni Demi. "He made me fall on purpose." Bumuntonghininga si Sonja. "Pero bakit hindi iyon ang nakita ko noon--" "We were both foolish enough to see his real motives, Sonja. Walang puso ang putanginang iyon." "Ewan ko, Demi. Sana lang ay hindi mo talaga pagsisihan itong mga pinaplano mo." Napasandal siya sa kanyang swivel chair at tumitig sa puting kisame. "Wala akong dapat pagsisihan. I will do this for my baby." Sumikip na naman ang kanyang dibdib. Ilang taon na ngunit hanggang ngayon, nasa puso pa rin niya ang kirot na iniwan ng pagkamatay ng kanyang anak. She became a pediatrician because of her dead child, but despite having so much interactions with kids, Demi still feels broken. Siguro ay ganoon talaga. May mga sugat na kailanman ay hinding-hindi na maghihilom... Nadinig niya ang pagbuntonghininga ni Sonja sa kabilang linya. "Kailan ang uwi mo niyan?" "Next week." She shut her eyes. "Please make sure that Rimael will attend your party." "Nag-confirm na si Governor. Darating siya... dahil alam niyang inimbita kita." Umismid si Demi. "Is that so? Why? Hanggang ngayon ay gusto niyang ihingi ng tawad ang katarantaduhan ng nakababata niyang kapatid?" "Mabait si Rimael, Demi--" "Walang mabait sa pamilya Santi Vlanco. Lahat sila, gaya ng sabi ni Papa, halang ang mga kaluluwa. They are the reason why half of our family is dead. At sila rin ang may kasalanan kung bakit nawala ang anak ko..." Nilunok niya ang namuong bara sa kanyang lalamunan. "Magkita na lang tayo diyan, Sonja. May appointment pa ako ngayon." "Sige. Mag-iingat ka palagi. Huwag mong pababayaan ang sarili mo." "I will." Tuluyang pinatay ni Demi ang tawag saka siya sandaling pumikit, ngunit nang muling pumasok sa kanyang isipan ang itsura ni Rancho, nanikip na naman ang puso niya. She loved him so much, but she was foolish enough to believe that he was capable of loving someone other than himself. Bakit ba kasi siya nagpabulag sa mabubulaklak nitong salita? Bakit siya naniwalang ang isang laki sa Amerika ay mahuhumaling sa hamak na probinsyana? She shook her head and decided to open her laptop. Nagtungo siya sa kanyang search engine at inilagay ang pangalan ni Rancho. He married Kathlyn Arellano three years ago. Isa ang kasal ng dalawa sa naging pinakamatunog at pinag-usapang kasal sa bansa dahil sa garbo ng seremonya. Ngunit sa kabila ng ilang taong pagsasama ay hindi nagkaroon ng anak ang dalawa. Demi wanted to call it karma, but Sonja said it was Rancho's choice to not have kids with Kathlyn. Kung ano man ang totoo, wala nang pakialam pa si Demi. A photo of Rancho appeared on the screen. Natagpuan niya ang sariling nakatitig sa gwapo nitong mukha habang napupuno ng mga alaala ang kanyang isipan. They were happy back then. Ipinaglaban siya ni Rancho sa pamilya nito. They would often sneak out to meet. Sakay ng kotse nito ay pupunta sila sa ibang probinsya upang malayang maipakita sa isa't isa ang pagmamahal nila, ngunit peke pala ang lahat ng inakala niyang walang kapantay na pagmamahal. Rancho fooled her. Rancho used her love for him to make her family pay for ruining their reputation. Siya na walang kinalaman sa gulo ng pamilya Santi Vlanco at Larazabal ang nagdusa dahil lang nagmahal siya sa isang kaaway kaya ipinapangako niyang hinding-hindi na iyon mauulit pa. Humugot siya ng malalim na hininga saka niya binura ang pangalan ni Rancho at pinalitan ng pangalan ng nakatatanda nitong kapatid. A smug grin found its way to her lips when Rimael Santi Vlanco's image appeared on the screen. He was wearing a barong while standing in front of their province's seal for the governor's office. Matalim pa rin ito kung tumingin. His stubbled beard made him look more mature now, but the sharpness of his gaze never changed. Noon pa man ay may taglay na talaga itong kasungitan. Nang minsang iuwi siya ni Rancho sa tahanan ng mga Santi Vlanco nang mangibang bansa ang mga magulang nito, hindi niya makakalimutan kung gaano siya katalim na tinitigan ni Rimael bago nito sinabing hindi siya nararapat para kay Rancho. "Magkapatid nga naman..." she murmured to herself before she scrolled down, only to pause for a moment and hold her breath when another image of Rimael appeared on the screen. His upper body was on display. Tila nakaw lamang ang pagkakakuha sa larawan ngunit kahit ano yatang anggulo ay napakagwapo ng pinakabatang gobernador ng kanilang probinsya. All the cracks and curves on his body seemed sculpted by God himself, and the way his forehead creased made him more intimidating. Rimael Santi Vlanco had accomplished so much in life at a young age. He received several awards for his programs and good leadership skills. Kahit probinsyano ay matunog ang pangalan sa malalayong lugar. Una dahil nagtapos ang binata ng abogasya sa prestihiyosong eskwelahan sa Inglatera bago nagtuloy ng pag-aaral sa Pilipinas upang maging inhinyero. Pangalawa ay magandang lalake naman talaga ito. Sadyang saksakan lamang ng sungit. Bilang din ang pagkakataong maririnig itong magsalita. It's like his attention is too precious that only a few affords to have it. Panghuli, dahil galing sa may kayang pamilya si Rimael. They're so well-off before they entered politics kaya ni minsan ay hindi nagkaroon ng record ang mga Santi Vlanco ng korapsyon. That's probably one of the many reasons why other politicians hate them. Hindi mauto ang mga Santi Vlanco para tumulong magnakaw ng kaban ng bayan dahil sa kanilang sariling pera pa lamang, kaya na nilang mabuhay ng ilang henerasyon nang hindi nagtatrabaho. Hindi napansin ni Demi na nanuyo na ang kanyang lalamunan habang nakatitig sa larawan ni Rimael, ngunit nang matauhan ay kaagad niyang isinara ang kanyang laptop saka niya ihinilamos ang kanyang palad sa kanyang mukha. She's not supposed to be distracted by Rimael's physique. Ito ang kanyang target at hindi siya maaaring maakit sa binata. It should be the other way around. Rimael will be her ticket to Rancho. Now that Rancho's marriage is shaky, she can execute her plan better by using Rimael. Kinuyom niya ang kanyang mga kamao saka siya humugot ng malalim na hininga. Para ito sa anak niya. Her gentle side died with her child since she lost her baby. Naging bato na ang kanyang puso kaya kahit ilang beses na siyang sinasabihan ng kaibigang si Sonja na delikado ang pinaplano niya, hindi niya magawang baguhin ang kanyang desisyon. Sisiguraduhin niyang mababaliw sa kanya si Governor Rimael Santi Vlanco. At oras na mangyari iyon, ipinapangako niyang pati si Rancho ay maghahabol para lamang matikman siyang muli. She knows how strong Rimael and Rancho's bond is, and that's what she will ruin the most. A devilish smirk found its way to her lips. She will break those brothers' good relationship the way Rancho broke her heart, no matter what it might cause her in the end
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD