Love Stop 42

1118 Words

Gaya nang usapan nilang dalawa, si Mason ang kasama ng kambal sa schedule ng mga ito sa dentista. Sila ni Ivan ay naiwan sa bahay upang maasistihan ang mga cleaning services na ipinahanap nito sa ama. Natutuwa talaga siya dahil magkasundong-magkasundo na ang mga ito. Si Louise ay maagang umalis dahil may kailangan daw itong pag-usapan kasama ang mga magulang. Tulog pa sila nang umalis ng bahay at nagpadala na lang ng mensahe. Sinabihan naman niya si Mason na dalhin sa ice cream parlor ang kambal pagkatapos magpa-dentista o igala nito sa kung saan dahil pihadong matatagalan ang paglilinis. Ayaw niyang malanghap ng mga bata ang alikabok at ang mga kemikal na gagamitin. Mamayang hapon naman ay darating ang pest control kaya doon na lang nila kikitain ni Ivan ang mga ito. Ang mga kasa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD