Naabutan pa nila ni Louise ang kanyang mga magulang, maging ang mag-asawang Beatrice at Alexis nang umuwi sila pagkagaling sa nail spa. Nagkakainan ang mga ito nang hapunan, kasama sina Ivan at ang kambal. "You're still here?" Natatawang tanong niya. Humalik siya sa pisngi ng dalawang matandang babae, ganoon din sa mga lalaki. Si Ivan naman ay tumayo upang halikan siya sa pisngi. Ang kambal ay yumakap sa kanya at hinalikan niya ang mga ito sa ulo. Nang kumawala ay tumakbo palapit kay Louise na noon ay masayang nakikipag-kuwentuhan sa kanyang ina. "Tito Ivan cooked one of best steaks that I ever tasted in my whole life!" Balita ni Lexus sa kanya. Napataas ang kilay niya sa sinabi nito at napatingin sa binata na mayabang na itinaas ang kopita ng red wine sa kanya. Ang ngiti ni

