"Paano kayo magsasama kung ikaw, Violet, eh naririto sa New Zealand?" Tanong ng lola ng dalaga. "May buhay ang nobyo mo sa Pinas, mga negosyo, ang kambal. Kaya mo ba ang long distance relationship?" Ngumiti si Violet at humilig sa balikat ni Mason. "Natiis nga po namin ng ilang taon, so madali na iyon," nakatingala ito sa nobyo habang nagsasalita. Kinintalan ito ng halik sa noo ni Mason. "We will work this out, right Mine?" Nakangiting tanong ng binata. "We will make it happen," masayang segunda ni Violet. Inihabilin ni Mason na ihahatid niya sina Violet at may tsansang hindi doon matulog sa hotel kaya naman sinamahan niya ang mag-iina sa kuwarto ng mga ito. Tulog na ang kambal ngunit siya ay hindi pa dinadalaw ng antok. Tumayo siya mula sa kama at lumabas sa living room. Na

