"WHAT THE HELL ARE YOU DOING?!" Buong lakas niyang isinalya palayo kay Cameron si Ivan. Gusto niyang undayan ng suntok ang lalaki ngunit nangibabaw sa kanya na mailayo doon si Cameron. Kaya naman hinawakan niya ang kaibigan at hinaltak para ilagay sa likuran niya. "Are you okay, Cam?" Tanong niya. "Mason? What are you doing here?" Takang tanong nito sa kanya. "Palabas na kami nang... awww! Ivan, help!" Itinaas nito ang kamay sa lalaki na parang wala siya doon. Nang daanan siya ni Ivan ay nakita niya ang pagngisi nito bago tumingin kay Cameron. "It's still there?" Tumango naman ang dalaga. Itinaas nito ang mukha ni Cameron at pilit na idinilat ang mata nito bago hinipan. "Kailangan na yata ng tubig," hinawakan nito si Cameron na bumitaw naman mula sa pagkakahawak niya. Ku

