Don't get her wrong. Hindi naman sa nagsi-ship siya kina Mason at Cameron. Violet is Mason's current beau at hindi siya gagawa nang paraan para lang magkasira ang mga ito at mabuo sina Mason at Cameron bilang pamilya. Gusto niya si Violet at alam niyang mahal talaga ito ni Mason. Basta siya, kung saan masaya ang kanyang mga kaibigan ay susuportahan niya, maliban kung ang kalalabasan niyon ay cheating. Diyan siya talaga hindi makakatulong sa mga ito. Nang makabalik sila ng mga bata ay nakaligo na ang dalawa. Inilagay niya sa ref ang mga pinamiling ice cream bago naupo sa hapag. "You will be the judge, Lou," takang napatingin siya sa dalawa matapos niyang maglagay ng kare-kare sa kanyang plato. Parehong naglagay ng bowl ng bagoong sa harapan niya ang dalawa. "You cooked the bes

