Naging abala siya nang mga sumunod na araw kaya naman hindi niya namalayan na bukas na pala ang graduation ni Mason kung di pa siya pinuntahan ni Louise at kinulit na mag-shopping. Kakarating lang nito dalawang na ang nakalilipas ngunit hindi pa din ito nagkukuwento kung ano ang inasikaso nito sa Estados Unidos. "Mag-shopping na din tayo ng damit ng mga bata para bago ang suot nila bukas. It is a very special day for them," sabi nito habang abala sa pamimili ng damit sa estante. Nasa isang kilalang boutique sila kaya manaka-nakang tao lamang ang naroroon upang mamili. "Hindi naman tayo makakapasok dun," nakangusong sabi niya. "Ibigay na natin iyon kina Tito Lex at Tita Bea. Ang tagal kaya nilang pinangarap na maka-graduate ang lokong yun." "Of course! Mag-aabang na lang tayo sa

