Kahit pagod siya nang nakaraang gabi ay nagising pa din siya ng maaga upang ipagluto ang kambal bago pa man magising ang mga ito. Naligo na din siya upang maging presentable kapag nakita siya ng mga anak. Tiyak na magugulat ang mga ito dahil sa paghahanda niya sa mga ito. "Mommy?" Nanlalaki ang mga mata ni Lexus nang makita siya. Tama nga ang hula niya na magugulat ang mga ito kapag nakita siyang abala sa kusina. "Mommy!" Tumalon talon muna si Maron bago siya tinakbo at niyakap nang mahigpit! "I missed you so much, Mommy," inamoy-amoy pa siya nito. Isa din iyon sa dahilan kung bakit kailangang nakaligo na siya bago magsigising ang dalawa. Si Maron kasi ay mahilig mang-amoy. "I missed you more, Baby," hinalikan niya ito sa ulo. "You smelled so good! You smelled like heaven!"

