"Sa hotel na tayo kumain, kung saan ako naka-check in," nilingon niya ang nobya na noon ay nag-bibihis na ring katulad niya. "I reserved a table for us." Napatigil ito sa ginagawa at tumingin sa kanya. "Why don't we cook instead? Sayang naman ang pera...." Tumayo siya at nilapitan ito. Hinawakan niya ang kamay ng nobya. "Mine, mas sayang yung ginawa kong reservation," natatawang sabi niya. "Ang hirap mag-book doon kaya naman ngayon lang ako nakapunta dito," pagdadahilan niya upang sumama ito. Ngumuso ito ngunit nakangiti naman. "Okay.... sabi mo eh." "Good girl," hinalikan niya ito sa noo. "I'll wait for you downstairs while you change, okay?" Tumango naman ito. Nang makalabas na siya ng kuwarto ay agad siyang nag-send ng message sa chatroom nilang magkakaibigan. "We

