CHAPTER 15

1207 Words
Kenzie's POV: “Huh? Gagi ka ba?! Ikakasal ka na! Tapos you like me?! And, nasa contract natin na bawal-” Gulat na sabi ni Eli sa ‘kin na para bang may sinabi akong mali. Bawal ma-inlove or magkagusto. Right, I forgot. “What are you saying?” I asked, laughing a bit. “I mean I like you because you have... Sense of humor and personality. That's all, Eli.” I lied. I mean, I really liked her since the day I saw her face. Hindi ko alam kung bakit o paano, pero sa oras na tumapat ang mata ko sa kaniya, hindi ko na nakalimutan kung ano ang hitsura ni Eli. Kung paano siya maglakad, tumawa, at kung paano niya hinawa ‘yung mahaba niyang buhok nung araw na una ko siyang nakita. It feels really weird. Hindi ako matandain sa mga mukha at mabilis akong makalimot lalo kung hindi ko nakikita araw-araw. Pero isang beses ko lang nakita si Eli before I met her again after 2 years, pero ni minsan... Hindi ko man lang nakalimutan ang mukha niya. It feels like yesterday. The day I saw her feels like yesterday... And her face... Her face is like a tattoo on my mind. Nakaukit na rito, at tila hindi na mabubura pa. But then, I remember she doesn't want to commit with someone. Ako man ‘yan, o ibang tao. Mabigat sa dibdib pero wala akong magagawa kasi hindi ko siya pwedeng pilitin sa mga bagay na una pa lang, hindi niya naman gusto at wala sa kaniyang plano. “Ah... Ah! Sorry, nag-overthink bigla!” She laughed, so I smiled at her. “Tapos ka na ba kumain? Ako na magtatapon-” “No it's fine, ako na.” Tumayo ako at kinuha ‘yung mga box ng food ba pinag-order-an namin. “Anyway, you owe me a story okay?” I reminded her. Gusto ko lang naman malaman if what's the reason kung bakit ayaw niya sa love. I'm really sure na connected ’to sa family niya. “But if you don't want-” “Upo ka, Ikukwento ko na ngayon tutal ito naman na ang huling pagkikita natin because magiging pamilyadong tao ka na.” She said, laughing. Hindi ko alam pero biglang bumilis ang t***k ng puso ko, at hindi maganda ang meaning nito. Tumibok ito ngunit hindi dahil sa tuwa, kundi dahil sa takot at lungkot na hindi ko na siya makikita. “Hmm, okay...” I smiled. “Hindi ’to mahaba, ha! ‘Wag kang mag-expect, especially wala talagang interesting sa buhay ko!” She laughed, but I really don't mind that. Ang importante lang sa ‘kin ay ‘yung comfortable siya with me. “Basta, si Mama at Papa lumaki silang hindi na talaga okay. I mean, sweet sila kapag kaharap kami ng mga kapatid ko, pero kapag wala kami palagi silang nagtatalo. When I was a kid I really thought na it's normal since mag-asawa sila, pero no... My Mom is just staying with us because hindi pa umuuwi ‘yung boyfriend niyang seaman.” “Your mom cheated?” I asked so she nodded. “Yes. I was 9 years old back then, tapos may kapatid akong 6 year-old si Yvone, 4 year old si Elyse at 3 si Nathan... Tapos inalagaan ko sila kahit pa bata lang din ako. Una pa lang naman, inaalagaan ko na sila kahit kumpleto pa kami, pero nung nawala si Mama parang naging totoong nanay na nila ako.” She said. “Akala ko roon na lang ‘yon eh, hanggang sa lumipas ang ilang taon... Dinala ni Mama sa bahay ’yung bunso niyang anak doon sa lalaki niya, at pinaalagaan sa ‘min.” “Are you mad for what she did? How's your sister... Or brother?” Tanong ko. Sinubukan kong maging gentle para hindi siya mabigla. “Hanggang ngayon galit ako sa mga ginawa niya... Siya dapat ‘yung nasa posisyon ko ngayon. Siya dapat ‘yung nag-aalala sa mga kapatid ko... Tapos sa ‘kin. Responsibilidad niya ‘to bilang ina, eh... Siya dapat nandito... Siya dapat ‘yung nagtatrabaho, nagpapaaral at nag-aalaga sa kanila... Hindi ako. Kasi... Kasi anak niya rin naman ako.” She said, tumingala siya at bahagyang natawa bago niya inayos ang kaniyang buhok. “Eli?” I called her. “Ano ka ba, okay lang ako!” she laughed. “After all naman, yung ginawa niyang pag-iwan sa anak niya, okay lang. I mean, nung una galit ako pero habang tumatagal hindi na. Tsaka, bukal sa loob ko naman ang pagtulong kila papa at pagpapa-aral sa mga kapatid ko kaya okay lang sa ‘kin ‘yon!” Tumayo ako at nilipat ko ang upuan ko sa tabi ng kaniya. I feel like, anytime tutulo na ang luha mula sa mata niya. Hindi ko maiwasang yumakap sa kaniya dahil alam kong mabigat para sa kaniya ito. Ang tagal niyang natahimik, mukhang gulat sa ginawa ko. “It‘s okay, Elijah... Let yourself be vulnerable, okay? Kahit ngayon lang, ha? Hindi mo kailangang maging malakas palagi. It's okay to admit if you're tired, it's okay to cry and you don't have to be hard on yourself.” Bulong ko habang hinahaplos ang likuran niya. “It‘s okay to not be okay, Eli. You're not a robot, so please don't keep it all to yourself. Kung iiyak ka, iiyak mo lang. Walang masara roon.” Malambing kong sabi sa kaniya. Hindi siya sumagot, pero narinig ko ang mahinang paghikbi niya. “Hmm... That's good, ilabas mo lang lahat. You don't have to be strong today, okay? I'm here. I'm here to hug you. Yakap ka muna sa‘kin... And everything will be better. Not totally better, but I hope it will.” Mas lalo ko pang hinigpitan ang yakap sa kaniya. Behind her maldita attitude, she's just a girl who was longing for her mother's love. I know she kept saying she never believes in love, but maybe she just doesn't want to believe in the idea of love. She was just protecting herself from hurt. And I understand now. “Say it, Eli...” I whispered. “I‘m tired... P-Pagod na pagod na ako. Hindi ko na alam k-kung... Kung kailan matatapos ‘to. I want to live, I want to be free... I love my family, pero... P-Pagod na ako... Gusto ko nang ipahinga katawan ko... Gusto kong unahin sarili ko...” “You want to run away with me?” I genuine asked her. Humiwalay siya sa pagkakayakap ko paea tignan ako sa mata. “You‘re getting married, what do you mean run away?” “Matagal pa ang 3 weeks before ang kasal ko, so let's do it. Let's rest together. Takas muna natin ang mundo.” I smiled. “Hindi muna natin sila bati... Iwan muna natin ang lahat.” “Kenzie-” I kissed her. “Let‘s give ourselves a permission to rest, so let's run... away from chaotic world.” Ngumiti ako habang hawak ang pisngi niya. “Are you g?” Bahagya siyang natawa bago halikan ang labi ko. “G!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD