Zack's POV
I can't believe na pumayag siyang magtabi kami sa kama.
*This is so amazing*
It's one of the purpose of her parents and my parents, that's why I'm doing this favor for them.
They knew she's hard to get especially she rejected a lot of men. And they think that I can change her perspective to men.
We are in the middle of lunch and I can see those eyes of men onto her. Wala man lang siyang pakialam.
She's wearing the red bikini I bought and it so suit to her. I just wanted that only me, is allowed to stare until I want.
I give them deadly look.
"Huwag mo na silang pansinin, hayaan mo sila." Rinig kong sabi niya.
She must be saw me giving them warning.
"No!! This is not normal." Wika ko sa kanya na siyang ikinatawa niya at kinakunot ng noo ko.
"Look at those girls." She said.
Pansin ko rin ang mga babaeng kanina pa nakatingin but I don't care.
I have more concern about her.
"Let's go!" Maawtoridad kong sabi sa kanya.
"But..."
"No more buts!!" I interrupted.
Hindi ko maatim na tinititigan nila siya ng ganon. I don't need to give them punch before they realize.
Sinunod naman niya ang sinabi ko at lumabas kami ng resto. "I'm still hungry." Maktol niya habang naglalakad kami.
Pumasok kami sa kabilang pwesto na kung saan may private room for dining. Mas gusto ko pa na dalawa lang kaming magkasamang kumain kaysa sa kumain sa puno ng mga may pagnanasang mata.
"Gusto mo lang ata akong ma-solo e? Nagseselos ka?" Tanong niya habang pinipigilan ang tawa.
I didn't expect her to say those words.
Hindi agad ako nakasagot na para bang nagsarado ang bibig ko.
"Okay, go back there and let them stare at you until you want." I said sarcastically.
-----
Eouwen's POV
*Nagbibiro lang naman ako e.*
I understand kung bakit niya to ginagawa he's just protecting me from them.
Pinapahanga ako ng lalaking ito.
Ngunit wala akong maramdamang kakaiba para sa kanya.
*I'm just going with the flow.*
Narito kami ngayon sa kabilang resto na kung saan kinuha niya talaga ang private room para sa pagkain.
Hinayaan ko na lamang ito kung ano ang gusto niyang isipin at nagpatuloy na lang ako sa pagkain na naantala kanina.
*Basta ako kain lang, gutom ako.*
-----
Abala ito sa laptop niya at may aasikasuhin lang daw. Iniwan ko siya sa kwarto at bumaba ako. Naglibot kami kanina ngunit hindi gaano kalayo dahil matindi ang sinag ng araw.
Narito ako ngayon sa dalampasigan naglalakad *MAG-ISA* ng mapansin kong umiilaw ang phone ko.
Phone call...
Si Trixie ang tumatawag. "Kamusta ang El Nido?" Tanong ng kabilang linya ng sagutin ko.
"Okay naman! Hindi mo alam kung gaano ako kasaya ngayon." Masayang balita ko sa kanya.
"Mag-enjoy lang kayo riyan. Lalo na at sa bukas makalawa pa ng hapon ang balik niyo." Sabi nito.
*Teka paano niya nalaman?*
"Teka?! Papaano mo na laman? May alam ka ba rito?" Takang tanong ko.
-----
Trixie's POV
"What's her favorite color? Place to go in? Mga gusto niyang klase ng damit? Tell me something about her." Napakaraming tanong ng boss ko.
Ang tinutukoy niya ay ang kaibigan kong si Eouwen. *I'm so jealous.* Akala ko pa naman mapapansin na niya ang ganda ko lalo na at sekretarya niya ako ngunit nagkamali ako.
*Maganda naman ako at sexy rin.*
Natipuhan pa rin niya ang kaibigan ko. Well, no doubt naman kasi dahil talagang maganda, mabait at matulungin siya. Sabihin ko na lang na nasa kanya na ang lahat.
*Perfect package.*
Sobrang saya ko pa naman at tinawagan niya ako noong isang araw at pinapunta sa lugar niya.
*Assuming kasi Trixie.*
"Did you hear me?" Muling pukaw nito sa akin.
"Yes, boss. She loves simple clothes I mean cheap but valuable. And the color she loves are red, white, and black........"
"Okay never mind, continue that later. Let's go!" He interrupted.
"Huh? Saan po tayo pupunta?" Tanong ko.
"Help me to buy those things she likes." Sumunod na agad ako sa kanya at baka magalit pa.
*Nakakainggit.*
Narito kami ngayon sa mall at binibili lahat ng tinanong niya. Ginawa pa talaga akong tagabuhat ah.
*Not gentleman.*
Nakakangawit ang mga buhat ko habang naghahanap ng mga ibang gamit na bibilhin niya.
"Para saan ba to sir, parang may outing?" Lakas loob kong tanong.
"Yes! We're going to El Nido, as you have said earlier it's one of her dreams." Sabi niya.
"Kailan ang balik niyo?" Tanong ko.
"Monday noon, by the way clear all my schedule and her until we get back." Utos nito sa akin.
"Okay sir." Tugon ko.
-----
"Teka?! Papaano mo na laman? May alam ka ba rito?" Takang tanong niya. Kinakabahan ako siguradong magagalit na naman itong bruha na ito.
"Trixie?" Palakas na palakas ang boses niya.
"TRIXIE?!" Sigaw na narinig ko.
"Nakakabingi ka girl. Oo, alam ko lahat dahil ako lang naman ang bumitbit sa lahat ng susuotin mo riyan at gagawa ng mga gawain mo." Tugon ko.
"Kaya pala alam niya lahat. Kunwari pa na nagpatulong sa pinsan niya." Anito.
"Talagang plano niya iyan. Hindi ko nga ba alam sa boss mo." Sabi ko.
"BOSS natin." Pagdiin niya.
"Sige na may gagawin pa ako." Sabi ko saka pinatay ang tawag dahil alam kong madami pa siyang itatanong.
-----
Eouwen's POV
Bastos ang babaeng ito pinatayan ba naman ako. Now I knew it already.
*Teka asan ako?*
Nagulat na lamang ako na kay layo na pala ang narating ko.
*Saan ito?*
Hindi ko alam kung nasaan ako ngayon. Hindi kasi kami ganon kalayo naglibot kanina kaya hindi ko alam kong napuntahan na namin ito.
Lalo na at madilim kung nasaan ako ngayon. Naglalakad ako pabalik ng may mapansin akong sumusunod sa akin.
Binilisan ko ang paglakad at pansin kong gayon din siya.
*Help me, Lord.*
Nagdarasal ako habang tinatahak ang daan pabalik.
"M-miss hintayin mo ako." Ani ng boses lalaki na lasing.
*Omg lasing ito.*
Mas minadali ko pa ang paglakad upang makapunta sa mas maliwanag na ilaw.
Sobra akong nakaramdam ng kaba at takot habang binibilisan ang paglakad. Ilang sandali ay pansin kong wala na ang lalaking sumusunod sa akin.
Para akong nabunutan ng tinik ng wala na itong sumusunod sa akin at saka nagpatuloy muli ako sa paglakad.
"Saan ka pupunta?" Biglang sulpot ng lalaki mula sa puno ng niyog.
Napasigaw ako dahil sa takot.
Paatras ako ng paatras habang paabante naman siya sa akin.
"Huwag po." Mangingiyak kong makaawa.
"Ang ganda mo naman, miss. Kay sexy mo! Sigurado akong masasarapan at mag-eenjoy ako sayo. Halika rito." Sabi niya sabay hawak sa magkabilang braso ko.
Akmang hahalikan na sana niya ako ng magulat ako sa sumunod na nangyari.
"Zack?"