CHAPTER 1
THIRD PERSON POV
Sa isang marangyang hotel sa Makati, kumikinang ang bawat ilaw na tila sumasabay sa t***k ng musika sa loob ng grand ballroom. Crystal chandeliers, mamahaling wine, at mga taong nakasuot ng designer gowns at suits lahat perpekto. Lahat kontrolado. Lahat maliban kay Althea Mirelle Cayliex.
“Excuse me, bakit hindi pa perfect ang flower arrangement sa table 7?!” mataray ngunit kontroladong sabi ni Mirelle habang naka-cross ang kanyang mga braso. Ang kanyang pulang gown ay dumadaloy sa bawat galaw niyan elegante, pero halatang malapit nang sumabog ang pasensya.
“Ma’am, inayos na po”
“‘Inayos’ is not the same as ‘perfect,’ okay?” she cut in sharply, flipping her hair with dramatic flair. “This is MY event. Walang pwedeng pumalpak.”
Lahat ng staff sa paligid niya ay halos hindi na makahinga sa kaba. Samantala, sa kabilang bahagi ng venue.
“Bro, relax ka lang. Event lang ‘to, hindi buhay mo nakasalalay,” sabi ng isang lalaki habang nakasandal sa ladder, ngumunguya pa ng chewing gum.
Si Zyron Kael Veridian naka-itim na fitted T-shirt, bahagyang gusot ang buhok, at may ngising tila laging may balak na kalokohan. Isa siyang event contractor pero kung umasta, parang siya pa ang may-ari ng hotel.
“Trabaho ‘to, pero hindi ko kailangan magmukhang robot,” sagot niya habang inaayos ang spotlight. “Besides, mas interesting panoorin ‘yung mga rich people na feeling perfect.” Napatingin siya sa gitna ng ballroom at doon niya unang nakita si Mirelle.
“Whoa…” bulong niya, bahagyang napaangat ang kilay. “May reyna pala dito.”nSa kabilang banda, si Mirelle ay patuloy na nag-iinspect, mabilis ang hakbang, mataas ang noo hanggang sa-
“Watch out!”
Isang tali ng lighting equipment ang hindi niya napansin. Nadulas ang kanyang paa at sa isang iglap parang bumagal ang lahat. Ang ilaw, ang musika, ang ingay lahat nawala. Isang malakas na braso ang biglang humila sa kanya palayo at bago pa siya makareact.
BOGSSSSHHHHHH........
Natumba silang dalawa sa sahig si Zyron ang unang bumagsak, napahiga sa malamig na marmol. At si Mirell napunta sa ibabaw niya nagkatitigan sila. Malapitan sobrang lapit naririnig nila ang t***k ng puso ng isa’t isa. At sa hindi inaasahan napahawak si Mirelle sa dibdib ni Zyron napakurap si Zyron pati na rin si Mirelle napakurap din.
“Uh…” si Zyron ang unang nagsalita, may bahid ng amusement ang boses. “Miss… hindi po free ang pag-check ng abs ko.”
Doon lang natauhan si Mirelle agad niyang inalis ang kamay niya pero dahil sa gulat, napisil pa niya ito nang bahagya.
“AH!” sabay nilang sigaw napaatras si Mirelle, halos matumba ulit, pero nahawakan siya ni Zyron sa bewang para hindi tuluyang bumagsak.
“Careful, princess,” bulong nito na may nakakalokong ngisi. Agad siyang tumayo, inaayos ang kanyang gown na parang may invisible audience na nanonood sa kanya.
“You are impossible!” galit na sabi ni Mirelle, nanginginig pa ang boses sa hiya at inis. Ngumisi si Zyron habang nakahiga pa rin sa sahig, parang walang balak tumayo.
“Pero gwapo,” sagot niya, sabay haplos sa buhok niya at kumindat. Napaatras si Mirelle na parang may nakita siyang multo.
“Gwapo nga… pero bastos naman,” pabulong niyang sabi, halatang diring-diri. Pero narinig iyon ni Zyron umupo siya at tumingin sa kanya na may mapanuksong titig.
“May sinasabi ka ba?” tanong niya, kunwaring inosente umirap lang si Mirelle.
“Get up,” utos niya, malamig ang tono. “You’re blocking the floor.”
“Wow, thank you ha. Ako na nga nag-save sa’yo, ako pa ang sagabal?” natatawang sabi ni Zyron habang tumatayo.
“Save? I did not ask for your help,” mataray na sagot ni Mirelle.
“Ah, so gusto mong bumagsak ka talaga?” taas-kilay na tanong niya. “Interesting.” Napasinghap si Mirelle sa inis.
“Who even hired you? This is a high-class event, not a comedy bar.”
“Wow, ang sakit naman no’n,” sagot ni Zyron, hawak ang dibdib na parang nasaktan. “Pero okay lang, sanay na ako sa magagandang babae na masama ang ugali.” Napamulsa si Mirelle, pilit kinokontrol ang sarili.
“Excuse me?”
“Nothing,” sabay kibit-balikat ni Zyron. “Just stating facts.”
“Security!” sigaw ni Mirelle, halatang nawawala na sa composure gad namang napatingin ang ilang staff.
“Relax, boss lady,” mabilis na sabi ni Zyron, tinaas ang kamay. “Trabaho ko ‘to. Hindi ako gatecrasher.”
“Then act like a professional!”
“Define professional,” sagot niya agad. “Because last time I checked, wala naman sa job description ko na bawal maging gwapo.” Halos mapatili si Mirelle sa inis.
“Unbelievable!”
“Actually, very believable,” sagot ni Zyron, sabay lapit ng kaunti. “Ikaw, on the other hand… medyo surprising ka.”
“Excuse me?!”
“Akala ko mga tulad mo, composed lagi. Pero kanina…” bahagya siyang yumuko, mas lalong lumapit. “Medyo clingy ka ah.” Namula si Mirelle.
“I did NOT—!”
“Relax, joke lang,” putol ni Zyron, nakangisi. “Or maybe not?”
“YOU—!”
“Miss Cayliex!” Napalingon si Mirelle nang tawagin siya ng event manager.
“Everything is ready na po for the opening speech.” Agad niyang inayos ang sarili, bumalik sa pagiging elegante at composed.
“Good,” malamig niyang sagot pagkatapos ay bumaling siya kay Zyron, malamig ang tingin.
“This isn’t over.” Ngumiti lang si Zyron.
“I hope not.” At sa unang pagkakataon may kakaibang pakiramdam na dumaan sa dibdib ni Mirelle.
Hindi niya alam kung inis o iba na habang papalayo siya, hindi niya napigilang mag-isip. Bakit parang hindi niya makalimutan ang lalaking iyon? At si Zyron naman, habang pinapanood siyang maglakad palayo, ay napangiti.
“Interesting…” bulong niya hindi niya alam na ang babaeng iyon ang magbabago ng buong mundo niya.