Dalawang linggo ang lumipas maraming nangyari, mistulang namatayan silang dalawa. Nung isang linggo lang nalaman nilang buntis si Farrah, gustohin man niyang mag luksa sa natamong kabigoan ay di pwede. Kailangan niyang magpakatatag para sa mga kaibigan, lalo at nagdadalang tao si Farrah at maging ang sa akin ay nagbunga din ang isang gabi. Masaya na malungkot ang kanyang nadarama sa ngayon, panibagong bata na naman ang lalaki na walang ama. Siya ang nag aalaga sa mag ina at kung minsan kapag naihatid na nila si Mesha ay nag iiyakan silang dalawa ni Farrah. Kung minsan si Gayle ang kasama nila lalo at nasa kanila ito ngayon madalas. Group crying kumbaga, pauso lang. Gaya ngayon kakahatid lang nila kay Mesha at pauwe na sila. Mas nag alala ako kay Farrah lalo at mas sensitive ito dahil ma

