Lahat kaming magkakaibigan na naroon ay nagpasyang mag donate na din ng dugo. It will save more lives pa ika nga. Tinawag kami ng isang nurse and as usual ay pinagkagulohan ang mga kaibigan namin. Pahinga na sa pambabae baka mabalatan ako ng buhay. Di pinalagpas ng mga binata pang mga kaibigan ang magpa cute sa mga doctor at nurses ng hospital. "Wala talagang patawad, maski sa hospital ang haharot nyo." Si Daniela na masama ang tingin sa mga lalaki. "Kailangan din natin na magpakilig minsan." Si Vince na kinindatan ang pinsan niya. "Di nakakatuwa." Sabi nito. Ikinataw lang ng iba. Nang makuhanan ng dugo ako at ang mga kaibigan, ay nag bantay na kami sa labas ng emergency room. si Lola pinilit lang namin na umuwe lalo na at matanda na ito at may iniinda din namang sakit. Ayon sa mga do

