Pagod na pagod si Chloe nang makauwi siya sa bahay ni Aling Berta dahil ang layo ng nilakad niya. Simula kasi sa bahay ni James hanggang sa makarating siya sa bundok kung saan ito nagtatrabaho ay nilakad niya lang. May sasakyan siya pero hindi naman niya iyon puwedeng gamitin paakyat sa bundok. Imbes na magpahinga siya dahil kararating niya lang galing sa Maynila ay mas inuna niya pa na makita ang binata kesa unahin ang sarili niya. Pakiramdam niya kasi hindi lang simpleng atraksyon ang nararamdaman niya para rito. Mahal na yata niya ang lalaking iyon. She missed James so much but it looks like he didn't miss her. Pabagsak siyang humiga sa kama dahil sa pinaghalong puyat at pagod. Mayamaya pa ay nag-ring ang cellphone niya na nasa loob ng bulsa ng suot niyang pantalon kaya kaaga

