Dinala ni James si Chloe sa ilog dahil ang gusto raw nito ay iyong walang katao-tao para mawala ang inis nito sa kaniya. Pagdating nila roon ay nakatitig lang ito sa tubig kaya hindi niya alam kung nagustuhan nito ang lugar na pinagdalhan niya rito o hindi. Mayamaya pa ay nakita niyang umupo ito sa gilid ng ilog habang ang mga paa nito ay nakalaylay sa tubig. "This is the most beautiful place that I have ever seen," bulong nito. Nakasandal siya sa puno ng niyog kaya narinig niya ang sinabi nito. Kalaunan ay tumingala ito sa langit. Hindi niya maintindihan kung bakit ang lungkot ng mga mata nito habang nakatingin ito roon. "May problema ba?" Hindi niya napigilan na hindi ito usisain. Napatingin ito sa kaniya at tipid na ngumiti. "May naalala lang ako." "Gusto mo bang maligo?" tanon

