Napangiti si Chloe nang tumawag sa kaniya si Aklas na malapit na raw dumating ang mga ito rito sa baryo. Hindi kasi ginamit ni Aklas ang isa sa mga private plane na pag-aari niya dahil ayaw daw ni Troy. Sigurado siya na pagod na pagod ang mga anak niya dahil sa kagagawan ni Troy. Gusto raw kasi nito na maraming babae ang nakikita sa paligid habang bumabyahe kaya naman galing New York ay ordinaryong eroplano lang ang sinakyan nang apat. Sina Aklas, Troy, at ang mga anak niya. Noong isang araw niya pa inaasahan ang pagdating ng mga anak niya kaya lang napurnada dahil ang dami raw arte ni Troy ayon kay Aklas. Ang dami-dami pa raw kasi nitong dinaanan at bumili pa ng kung ano-ano sa Maynila. Kaya naman para mawala ang inis niya ay sinabihan niya ito na daanan ang Yaya Lucy niya sa ma

