ALAM ni Dion ang tungkol sa mga bagay na ginagawa ng ilang siyentista na mahirap paniwalaan, pero ang isang ito ay nasa ibang lebel. Posible iyon? Hindi siya makapaniwala. Totoo iyon dahil si Christian na mismo ang nagsabi, at kung sino man ang siyentistang iyon ay napaka galing niya. Ngayon ay nasa opisina siya ni Christian habang sinasagot nito ang mga tanong niya kahit na halata namang kulang ang bawat sagot nito, tila may ayaw pang sabihin. "Gawa si Erena ng pinaka magaling na siyentista sa Luzon, Melissa Chavez, asawa nito ang Commander-in-chief na nag-handle sa dalawang bata na dinala ko rito," tukoy nito sa mga sakay ng emergency bed kanina. Samantalang mas nalaglag pa ang panga niya nang malaman ang tungkol doon. "At ang siyentistang iyon at ang Commander-in-chief na tinutu

