Narinig ni Kelsey ang pinag-usapan ni Dion at ng nasa telepono. Humiling ito ng ticket para sa dalawa at ng sponsor habang nasa ibang bansa. Hindi niya naman inaasahan na para sa kaniya pala iyon. At sa katotohanan ay hindi niya alam kung ano ang isasagot kay Dion. Totoong mahal niya ang mga magulang niya sa kabila nang nangyari, kabila ng tampo niya at hindi gaanong pakikisalamuha sa mga ito. Kaya nga nga ito ginagawa ay para rin sa mga ito, para hindi na gumawa nang masama ang mga ito. Naalala niya tuloy ang unang araw na matanto niyang may sarili na siyang isip, apat na taong gulang siya noon, at waka namang pinagbago, simula nang ipanganak siya ay palaging abala sa laboratoryo ang mga magulang niya, at tila hindi na napapansin o naaalala na may anak ang mga ito. "Family day, Kelsey.

