NAPATULOY ang kasiyahan ng mga kaibigan ni Erena, ganoon na rin siya. Ito na yata ang pinaka paborito niyang ginagawa. Kapag nagpa-party, parang wala siyang pinoproblema sa buhay, lalo na kapag nalalasing na siya. "Kailan na nga ba noong huli kayong nag-break ng ex mo?" si Loren iyon na tinanong si Sophy. "I can't remember, maybe six months ago?" Naabutan niya pa iyon, ang boyfriend nito na nuknukan ng yabang. Mabuti na lang at nag-break na ang dalawa. Hindi deserve ni Sophy, para sa kaniya, ang magtiis sa ganoong lalaki. Magaling lang magmanipula at toxic pa. "Move on ka na ba talaga?" Si Jake naman iyon. "Of course, 'no! Okay na sa akin ang lahat, kahit pa siya ang nangiwan. I am not even mad about it na," sagot pa ni Sophy. Samantalang kusa naman siyang natahimik dahil sa topic ng

