KYURYOSIDAD ang nagturo kay Erena para umpisahan na sagutin ang mga katanungan sa utak niya. Isang buwan na ang nakalilipas bago niya pa nalaman ang tungkol roon. Bago pa man bumalik sa buhay niya si Skyler at bago pa madagdagan ng tauhan sa kuwento niya. Hindi niya mapagkatiwalaan ang mga taong bago lang sa paligid niya. Kaya sa katatanong niya sa sarili, dinala siya ng mga paa niya sa isang sekreto kung saaan kalahati sa mga tanong niya ay naroon ang mga kasagutan. "Wala kang klase, Erena?" si Mariella ito, naghahanda sa pagpasok. Nasa living room sila, hinihintay niya na lang na makaalis ang mga ito. "Wala po, Mommy." Halos mabali niya na ang sariling diliri sa diin ng pagkakasalikop niya. Hindi niya pa man nagagawa ang balak, mamatay matay na siya sa kaba. Tinignan pa siya nito

