Mula sa mayamang pamilya si Miguel at marami na rin siyang naging kasintahan o na-date na mga babae, simula pa lamang ng magbinata siya. Minahal niya naman ang mga ito, may ilan siyang kasintahan na ubod ng bait, wala siyang masabi sa kagandahan ng ilan at sa pagiging perpekto ng ilan pa sa mga ito, pero... wala sa mga iyon ang pinangakuan niya ng kasal o kaya naman ay nakita niya sa kaniyang pangarap na maging asawa niya. Hanggang sa makilala niya si Melissa na hindi naman mukhang interesado sa kahit na kanino. Napagkamalan niya pa itong kasambahay noong una silang magkita, doon pa lang ay naging masama na tuloy, hula niya lang, ang impresiyon sa kaniya ni Melissa. Hindi rin siya naniniwala sa love at first sight, pero wala e, iyon naman talaga ang naramdaman niya nang unang beses niya

