Kabanata 11 - Consummate

1270 Words
            Hindi ako makapaniwala na nagawa naming magpakasal ngayong gabi. Tumikhim ako at binaba ang ballpen na ginamit ko sa pagpirma.  Nakaupo kami ngayon sa harap ng kanyang Tito na seryosong binabasa ang marriage certificate.                         "Padadalahan ko na lang kayo ng kopya some other day. Ireregister ko lang ang marriage niyo para maging opisyal na mag-asawa."             Tumango si Diego at hinawakan ang baywang ko. Gulong gulo pa rin ako sa nangyari. Married na ako?             Napatingin ako kay Diego na seryoso pa rin. Nakipagkamay siya sa kanyang tiyuhin habang ako naman ay nakipagbeso rito.                         "Thank you so much, Tito. And I'm thanking you for being our principal sponsor."             Yes, at dahil walang present ngayon rito. Si Judge din ang Ninong namin sa kasal. Ni wala nga kaming singsing kaya pinahiram muna kami ni Judge at ng asawa niya ng singsing.                         "Walang anuman, hijo. Kahit na hindi ko alam kung bakit nagmamadali naman kayo ata?"             Ngumiti ako ng tipid. Kahit ako naman po, hindi ko rin magets kung bakit sinama niya ako at pumayag ako na ikasal agad agad. Ano 'to? Tipid tips lang ba siya kaya surprise?                         "Hindi ko na ho kasi mahintay, Tito." Tumawa si Diego.             Ngumiti siya sa akin na para bang normal iyong sinabi niya. Heck! Kinikilabutan na ako sa inaakto ng lalaking 'to.                         "Iyan ang kasayahan kapag bata pa. Reckless decision is a must. Happiness now, suffer later." Kumento naman ng asawa ni Judge.             Ano? Anong suffer later?  Baka nga pagkaalis namin dito, umpisa na agad ng kalbaryo ko!             Nagpahinga kami ng kaunti at nakipagkuwentuhan sa aming Ninong at Ninang sa kasal. Doon na rin kami kumain ng dinner. Si Judge Querio pala, malayong kamag-anak ng mga Luna at dahil magkakaibigan sila ni King, madalas silang magbakasyon rito sa kanilang farm.                         "May balak pa ba kayong magpakasal sa simbahan?" Tanong ni Ninang Analiza.             Tiningnan ko si Diego na sumulyap din sa akin. Hinawakan niya ang kamay kong nasa table at marahang pinisil.                         "The church wedding will soon to follow. Principal sponsor rin po namin kayo roon." Sagot ni Diego.                         "Sure. I'm sure, your parents will be flustered when they know about this." Ani Judge.                         "Hindi naman po siguro. My parents want me to marry." Sabi ni Diego.             Sabagay, baka nga magpaparty pa ang pamilya ni Diego sa oras na malaman nila. Dahil gabi na para bumyahe, pinaayos nila ang isang cabin na malapit sa dagat para naman daw makapagsolo kami.             Malamig ang simoy ng hangin. Humahampas ito sa matataas na binta ang cabin. Ang puting kahoy na dingding ay maraming mga painting. Sa gitna noon ay ang malaking kama. May mga partitions rin kung saan naroon ang living at dining.             Hinubad ni Diego ang kanyang longsleeves at nilagay iyon sa isang dining chair. Nagsalin siya ng tubig at uminom.             Ano na ang mangyayari sa amin? Tumungo ako sa kama. Binuksan ko iyon at nakitang may ilang roba doon. Naligo na muna ako. Pagkalabas ko, nadatnan kong nakahiga sa kama si Diego. Wala itong suot kundi ang kanyang boxer shorts.             Natigilan ako at tiningnan ang sarili ko. Nakarobe lang ako at wala ng suot na panloob. Napagpasyahan kong labahan muna iyon para maisuot muli bukas. So much for a wedding. Nagpakasal kami na nakasuot ako ng lab coat habang si Diego naman nakasleeveless at halatang galing trabaho.                         "Ano pang tinatayo tayo mo diyan?" Tanong ni Diego at sinilip ako mula sa pagkakadapa.             Tila nabuhay ang atensyon kong kanina pa nawawaglit. Bakit ba ganito? Bakit patay ang ilaw at ang lampshades lang ang buhay? Bakit parang ang romantic ng setting ngayon? Ano? Totohanan na ba ang honeymoon na 'to?                         "Wala sa usapan natin 'to, Diego!" Nasabi ko na lang.             Tumunghay naman siya at tinaasan ako ng kilay. Nakayakap siya sa puting unan at nakakumot siya hanggang tuhod.                         "Anong sinasabi mo?" Tanong niya, walang kagana gana.                         "Hindi tayo magha-honeymoon! Tumayo ka diyan at magdamit ka nga. Kalimutan mo na kung ano ang iniisip mo. Nasurprise na nga ako sa sudden wedding natin at hindi ako nagreklamo."             Tumayo siya sa pagkakahiga at namamanghang tinitingnan ako. Bakit ba siya ganyan? Sobrang gulo ng buhok niya at nakaawang ang mga labi niyang mapula.                         "Anong honeymoon? Nakadrugs ka ba?" Tanong niya.             Umirap ako at lumapit sa kanya.                         "Hindi natin iko- consumate ang marriage natin ngayon dahil beki ka pa! Magbalik loob ka muna."             Hindi niya ako sinagot at padabog na humiga sa kama. Nagawa niya pang takpan ng unan niya ang mukha niya.             Tingnan mo 'to! Nakikipag-usap ako ng maayos eh! Umupo ako sa kama at tinagtag ang unan sa mukha niya. Ngumuso ako dahil nakikipaglaban siya para hindi ko matagtag 'yun.             Hindi ko namalayan na nakaupo na ako sa tiyan niya. At ang mga binti ko ay nasa  pagitan ng tiyan niya. Natigilan siya sa pag-agaw ng unan sa akin.             Napatingin ako sa mata niyang hinahagod ang puwitan kong nakaupo sa parteng tiyan niya. Umawang ang labi niya.m habang namumula naman ako.             Saka pumasok sa isip ko na wala siyang saplot at wala naman akong ibang suot maliban sa robe.             Tinulak niya ako bigla matapos niyang matitigan ito. Agad kong niyakap ang sarili ko nang pumatak ako sa kama.             Bumangon siya at tiningnan ako ng masama.                         "What do you think you're doing on top of me?" Tanong niya.                         "Ang feeling mo!" Sigaw ko, hindi alam ang sasabihin dahil sa hiya.             Ano bang naisip ko at umupo ako dun!             Tumayo siya at kumuha ng robe para isuot din niya. Umupo siya sa upuan na nasa paanan ng kama.                         "If you're thinking na may gagawin tayo, wala okay. We're not gonna consummate our marriage." Aniya.                         "Hindi?" Imbis na  magtunong masaya iyon, mas lumabas pa ata na tunog panghihinayang iyon kaya ngumisi si Diego.                         "Bakit? Gusto mo? Akala ko 'di ka makikipagmake love sa akin kasi bading ako?" Nanghahamon na tanong niya.             Umirap ako.                         "Oo naman. Ano ka sinuswerte? Iniisip mo bang papayag ako kung lalaki din ang gusto mo. Eh di nalugi ako?" Sagot ko.             Natigilan siya sa sinabi ko at umupo ng dekwatro. Nilagay niya ang baba sa palad niya at tiningnan ako.             Bakit ang cute ng baklang 'to? Kung lalaki 'to, papayag akong maghoneymoon agad eh. Kaso knowing what his gender preference, talagang mandidiri ako. Malay ko bang habang ginagawa namin 'yun lalaki ang nai-imagine niya?                         "And if I'm not? Papayag ka?" Seryosong tanong niya.                         "Anong not?" Naguguluhan kong tanong.             Nainis naman ata siya at binato ako ng unan sa mukha.                         "Aray ano ba!" Sigaw ko at binato siya pabalik pero sinalo niya 'yun.                         "Do you want this marriage to work?" Tanong niya.             Nag-isip ako. Siguro? Ewan? Hindi? Matagal akong napatitig sa kanya. Right now? Hindi ko akam. Hindi pa rin lubusang pumapasok sa isip ko ang mga nangyari. Parang alam ko lang na kasal na kami pero hindi ko pa naiisip ng lubos.             Nang mapansin niyang hindi ako makasagot, huminga siya at umiling.                         "Stop. Do not answer." Aniya.             Tumayo siya at pumunta sa kusina. Pagbalik niya may dala siyang isang baso ng tubig at nilapag iyon sa kama.                         "Teka, bak—" Pinutol niya ang sasabihin ko nang sumampa siya sa kama at niyakap ulit ang unan.                         "Matulog ka na. We'll talk some other time." Aniya at pinatay ang lampshade, making the room feel empty and quiet.             Biglang bumigat ang puso ko at humiga. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD