Niyakap ko ang sarili ko habang nakatingin sa malapad na view ng dagat sa Europe. Ang lamig ay ramdam na ramdam ko kahit may sweater. The snow's falling hard. Pinagsalikop ko ang aking kamay at mas lalong hinapit ang sweater sa aking katawan. A knock from my roommate dawned on me. Nilingon ko ang pintuan at binuksan iyon. I saw her smiling at me. She's a vet too. We were delegates from our organization. "Hello, I brought you hot chocolate! Lamig kasi eh." Aniya. I smiled at her and opened the door. Nilapag niya ang dalawang hot chocolate at isang box ng donuts. Umupo ako para tingnan iyon. Nakuha ng pink na donut ang atensyon ko. Parang bumaliktad ang sikmura ko ng makita iyon. Umirap ako at kinuha ang isang chocolate donut.

