Natulala ako sa sinabi niya. Hindi lang siya ang mamomroblema. Just like him, I don't know what to do. Kinuha niya ang kanyang phone at tinapat iyon sa kanyang tenga. "Yes, Leonore. Reschedule it a day after." Utos niya at tumango. Nagtama ang paningin naming dalawa. He sighed. "Okay... thanks." Binaba niya ang phone at huminga ulit ng malalim. Pinaglaruan ko ang daliri ko habang naghihintay ng lakas ng loob para magsalita. "Hindi ka papasok mamaya? We can go home, if you want." Sabi ko. Umiling siya at binuhay na muli ang makina ng sasakyan. Binalik niya iyon sa kalsada. Ngumuso ako. The fun wasn't here anymore. Awkward na talaga kami sa bawat isa.

