I was walking the busy streets of the city. Bakit ba kasi ako nakinig kay Diego at hindi ko naisipang magdala ng kotse? Ang hirap pa namang kumuha ng taxi sa ganitong oras dahil lunch time na. Napahinga ako ng makita ang lugar na sinabi ni Melanie sa text. Pinunasan ko ng panyo ang mukha kong basa na ng pawis. Kakainis. Mukha tuloy akong dugyot! Nagmadali akong pumasok sa bathroom para kahit papaano naman ay maging fresh ulit ako. I remembered kasi kung paano sabihin ni Diego na we're the opposite. Aminado pa naman ako na hindi ako masyadong kagandahan kaya kailangan kong paghandaan. Ayoko namang tawanan niya ako, dahil pinagpalit siya ni Diego sa katulad kong dugyot. Lumabas ako at lumapit doon sa nasa harapan. He greeted

