Inumpog ko na naman ang ulo ko sa pintuan ng kwarto. Hindi ko alam pero sa sakit noon, hindi pa din ako tumitigil. "If I were you, magbibihis na ako. Hindi naman mababago ang mga nangyari na sa ginagawa mo." Tamad na sabi ni Diego at pinindot ang remote ng tv. Inuntog ko ulit ang sarili ko. Wala na akong pakialam kung magkabukol ako mamaya. Kailangan kong gisingin ang sarili ko. Bakit ba ako umarteng ganun kanina? Kung umuwi na lang sana ako at saka ko siya rito pinatay. "Tabi," aniya at tinulak ang noo ko papalayo sa pintuan. Sinara niya ulit iyon sa may mukha ko. Tingnan mo 'tong baklang 'to! May mens na naman. Kanina sobrang seryoso niya, ngayon balik na naman ang sungit niya. Umiling ako at binu

