Rana Pov: Dire-diretso akong naglakad ng wala sa sarili ko. Napadpad ako sa pinakang liblib na lugar ng resort. Malayo sa cottage, sa mga tao, lalo na sa kanilang dalawa, kay Bianca at Natcher. Tapos na akong lumuha pero ito nanaman ang mga luha ko na muling pumapatak sa mga binti ko. Nakaupo kasi ako ngayon sa buhangin habang dinadama ang hangin hinahampas ako, sinasabay din nito sa pagsayaw niya ang buhok kong nakalugay. Wala akong pakealam kung malamig na. Ang alam ko lang ngayon ay umiiyak ako at pakiramdam ko dinudurog ako. Nasa tabing dagat ako medyo malayo sa mismong resort pero natatanaw ko naman sila. Cellphone ko lang ang gamit ko bilang pangtanlaw. Umagos nanaman ang mga luha ko sa pisnge ko. Iyak ako ng iyak nang di ko alam kung bakit. Umiiyak ba ako dahil sa nakita ko p

