Rana Pov: Ilang oras lang din nanatili si Natcher dito sa Condo niya at iniwan na din niya ako. Hindi daw niya sigurado ang oras ng pag-uwi niya mamaya kaya huwag daw ako magalinlingan tulugan siya. As if naman hintayin ko pa siyang umuwi bago matulog haha syempre biro lang. Hindi ko nga sigurado kung makakatulog pa ba ako kasi hindi talaga ako sanay na nakikitulog kung kanino lang na bahay. Naito ako ngayon sa couch tulala sa tv ng screen na kanina pa buhay pero ni isang palabas wala akong magustuhan. Naiinip na ako, wala pa akong makitang mga libro dito sa sala na puwede kong basahin. Siguro nasa kuwarto ni Natcher ang ibang mga gamit kaso diko naman puwedeng pasukin iyon basta lang. Alasais na ng gabi, iniwanan naman ako ni Natcher ng pera kahit na mayroon akong sariling pera na

