Rana Pov:
" Bakla bakit wala pa si Ma'am Aldobero? ". Tanong ko kay Razon na busy sa pagkukutingting ng cellphone niya. Samantalang ako sinasagutan ko yung assignment namin sa susunod na subject. Actually may sagot naman na siya chinecheck ko nalang ulit.
" Baka natraffic Ghurl! ". Sagot niyang di ako tinitignan. Napapout nalang ako at nagfocus sa pagbabasa ng mga sagot ko. " Ay Bongga!!!! ". Banat niya sabay sapak sakin. " Araaay! Bakla kung kinikilig ka diyan huwag mo ako idamay! ". Reklamo ko sa kaniya.
Ngayon tinignan na niya ako, sabay irap pero nakangiti. Tusukin ko kaya mata neto kung makairap e. Mabuti di ganiyan si Natcher yung bading na bading. But wit! Bakit ba siya agad naisip ko. Shems! Hanggang dito sa room di niya ako pinapatahimik. " Focus lang Rana! Focus! ". Huminga ako ng malalim sabay exhale.
" Ghurl! ". Tawag ni Razon magsisimula palang sana ako ulit magbasa. Pinasadahan ko siya ng tingin. " Anu yun bakla nagbabasa ako e ". Response ko sa kaniya. " Ayyy sungit! Ganiyan na ba kapag may jowabells ". Pang-aasar niya pa. Pinalo ko naman siya sa braso niya para pareho kaming mapangiti. " Wala akong jowa ". Dipensa ko. Nag ows di nga siya na ekpresyon ng mukha.
" Ayyy Ghurl huwag ako! Kilala kita from head to toe. Kakasabi mo lang din na pumayag ka sa deal niyo ni fafa Shonie ko ". Pag-papaalala nanaman sakin ni Razon tungkol sa kasunduan namin ni Natcher. Nagbigchick ako sabay iwas ng tingin sa kaniya. Naikuwento ko na kasi kay bakla lahat. Papahuli ba naman ito sa chismiss tsaka takot ko lang na magtampo siya diba kapag diko sinabi sa kaniya at nalaman niya pa mismo sa iba.
" Kasunduan that's the key word para di ko siya maging jowa for real, okay bakla ". Tumango siya pero yung mga ngisi niya todo mapang-asar. " Kasunduan pero mararanasan mong maging asawa siya. Okay na din yan Ghurl. Maexperience mo naman magkajowa hindi yan palagi kang subsob sa libro. Landi! Landi din kapag may time ". Igagaya niya pa ako sa kaniya.
Umiling ako ng tatlong beses. " Papakasalan ko siya para tulungan siya. Hindi para talagang jowain siya. Tsaka mayroon kaming rules. Bawal kaming mainlove o mafall pa man sa isa't-isa bakla so huwag mo na akong ipush diyan sa sinasabi mo ". Dipensa ko na ikinairap niya with matching roll eyes saka niya ako inetchapuwera.
Tignan mo ugali nito. Napailing nalang ako habang nakangiti. Itinuon ko na ulit ang atensyon ko sa notebook ko Hanggang sa dumating na ang first subject teacher namin, si Mrs. Aldobero.
Buong klase lahat kami gising paano ba naman biglaan nagpa recitation si ma'am. Surprise quiz na din daw yun. Dipende sa magandang sagot ang magiging grades namin. " Kaloka si Ma'am akala ko attendance, recitation na pala ". Ngayon nagrereklamo si Razon sakin. Nandito na kami sa canteen.
Sa kabutihan palad ay sinuwerte naman kami dahil madadaling tanong lang ang naibato samin ni Ma'am kaya nasagod namin agad ni Bakla. " Oo nga e, nagutom tuloy ako bigla. Pakiramdam ko lahat ng kinain ko kaninang umaga natunaw bigla nun magtanong na si Ma'am ". Sabay kaming natawa ni Razon sa sinabi ko.
" Oh sige ghurla order na tayo! Sumama ka na sakin kasi baka mamaya mayroon nanaman jumombag sayo diyan di na talaga ako magpipigil na labanan sila ". Hinigit niya ako malapit sa counter. Tinuro na agad ni Bakla ang mga order namin. Syempre yung favorite beef steak niya at ako naman e sisig. Ayaw ko nun ibang lutong ulam kasi mas trip ko ang sisig ngayon.
" Ayyy stick to one ka na din sa sisig? ". Kuwestiyon niya sakin pagkaupo palang namin sa napili niya na table. " Hindi. Gusto ko lang ulit nito ayaw ko nun ibang luto kaya ito nalang ulit ". Paliwanag ko. " Akala ko ganiyan ang nagagawa ng pagkakaroon ng jowa ". Ego nanaman siya aasarin nanaman niya ako kay Natcher. Kesa magtagumpay siya sa pinaplano niya sinalpakan ko siya ng cookies na binili ko din. Di naman inaasahan ng bakla kaya ayun haha muntanga siya.
" Kumain ka nalang diyan Bakla! ". Ani ko na mayroon kasamang mahinang pagtawa. " Sweet mo Ghurl anu. Ayaw mo lang iulit kita sa Fiancé mo e ". Pagtataray niya haha. Cute niya talagang bakla kahit kailan. Diko na siya pinansin. Kumain na lang ako ng kumain.
Hanggang sa matapos kami ni bakla sa pagkain ay di niya maisngit sa usapan si Natcher. Paano binabara ko palagi. Ayaw ko kasing masira ang araw ko ng dahil lang sa isa pang bakla na yun. Papabalik na kami ngayon sa classroom ng matigilan kami dahil biglang humarang samin ang grupo ng mga babae.
Humawi ng ang mga ito sa tigkabilang gilid mula salikuran nila ay lumabas si little bitchy na sinampal ako. " Ikaw nanaman padakekok ka! Anu nanaman bang gusto mo ha? ". Inis agad na porma ni Razon pero inawat ko siya. Pabulong din kinausap. " Huminahon ka lang Razon ". Bulong ko na sinunod naman niya agad.
Itinago lang ako ni Razon sa likuran niya. " Di na ulit dadampi yan kamay mo sa mukha ng bestfriend ko ". Manly na boses ni Razon. Napatitig ako sa kaniya ng bigla siyang magtransform. Form Nelle na bakla naging totoong Razon na lalaki siya ngayon and that was damn admiring seeing him as a man not a women.
Mas lalong umuultaw ang kagwapuhan niya kaya itong mga babae na hinaharangan kami halos mapaawang ang mga bibig nang maappreciate nila ang kagwapuhan ni Razon. " Laglag panga kayo anu! ". Bulong ng isipan ko. " D-di ko naman siya sasampalin e ". Wika ni little bitchy.
" Kung di mo siya sasampalin paaraanin mo na kami! Abala ka! ". Sarkastikong buwelta ni Razon pero lalaki pa din ang tono ng boses niya. " G-gusto ko lang humingi ng sorry sa ginawa ko sa kaniya! ". Nangangatal na paliwanag ni little bitchy. Siguro nagta tantrums siya dahil sa karisma na hatid nitong bakla kong kaibigan. Haha baka nakakalimutan nila di nila katako ito. Babae din ang puso nito. Mamon na mamon kesa sa kanila.
Kumalma naman si Razon ng marinig niya ang sinabi ni Little bitchy. Nilampasan ko na si Razon at ako na mismo ang humarap dito sa babae. Di siya makatingin ng diretso sakin. " G-gusto ko sanang humingi ng ta———— ". Diko na pinatapos ang sasabihin niya. Okay naman na ako dun e. Hindi din naman kasi ako yun tipo ng tao na nagtatanim ng sama ng loob.
Nginitian ko siya. " Okay lang! Nauunawaan ko naman. Fan ka na mahal na mahal mo yung idol mo ". Sabi ko. Napatitig siya sakin because of that pero iniwas din niya agad. " Now na nakapagsorry na ako sayo gusto ko lang sabihin na... ingatan mo ang Shonie namin ah! Kundi gegerahin ulit kita ". Sambit niya. Pero imbis na matakot ako ay napangiti nalang ako lalo.
Tumango nalang ako para wala ng gulo. Tsaka umpisa na ito ng role ko bilang mapapang-asawa ni Natcher. " Girls let's go ". Aya niya sa mga alipores niya saka silang lahat na nagwalk out may paflip hairs pa ang mga bakla. " Ganun lang yun? Di mo gagantihan. Kung ako sayo nasabunutan ko na sila lalo na yun pandakekok na yun ". Naiinis nanaman buwelta sakin ni Razon.
Babae na ulit siya. " Okay na Bakla hayaan mo na. Nagsorry naman na e pasok nalang tayo sa room baka dumating next subject teacher namin dali! ". Aya ko na sa kaniya. Pagkarating namin sa room sinesermonan niya ako. " Basta Rana sabihin mo lang sakin kapag mayroon nanaman ginawang kalokohan o di maganda sayo ang mga yun o kung sino pa man maging si Shonie lagot talaga sila sakin. Makikita nila kung paano magalit ang isang Razonelle ".
Nag darna post pa siya. Napailing nalang ako kasi dumali nanaman siya sa kabaklaan niya. " Alam mo bakla hot mo nun manly ka! Bakit di mo subukan kahit twenty four hours magpaka lalaki ka ulit dali. Kasi kanina nakakabitin e ". Suhestiyon ko. " O.M.G Rana over my dead body. Eto na ako ooohhh wala na makakapagpabago sakin. Dyosa ako at reyna ng mga serena so Please Ghurl stop mentioning to me about that manly-manly. Diko carry. Tsaka kaya ko lang naman ginawa yun just to protect you okay! So don't make any any issue about that okay! Okay! ". Sagot niya din sa sinabi niya.
Anu pa nga ba! Bakla na siya kaya wala ng pag-asa pa para magbalik loob siya. Tsaka mahal na mahal niya si Hash paano pang manunumbalik ito sa pagiging lalaki niya e inborn na din atang bakla itong si Razon. Ay mali Razonelle.......