Hingal na hingal siya nang bumagsak sa gilid ko. Parang mga patak ng ulan ang mga pawis niyang tumatagaktak habang magkadikit ang aming katawan. Lumuwag ang pagkakasalikop ng mga binti ko sa kaniyang bewang. Bumitaw mula sa pagkakakapit ang mga kamay kong kanina pa nanggigigil sa matipuno niyang balikat. Naghabol ako ng hininga. Rinig mula rito ang ingay ng mga naglalakad na estudyante sa labas na walang kamuwang-muwang sa ginawa namin ni Kaloy. Parang serye lang ng panaginip ang lahat. Hindi man katagalan dahil kaagad na siyang nilabasan, masasabi kong isa iyon sa mga hindi ko malilimutang kaganapan sa buhay ko. Narito kami ngayon sa backseat at ang mga upuan ay madali niyang naihiga kanina. Sa sobrang lulong ko sa nangyari, ni hindi ko alam na natapos na pala. He’s my first

