Makulimlim ang langit. Bakas pa ang halumigmig sa mga dahon ng halaman at hindi rin naman maalinsangan. Sa parte ni Jaguar, hindi ito naging dahilan upang hindi siya pagpawisan. Sinong hindi mahahapo nang ganito kung kabi-kabila ang tungkulin at responsibilidad sa school? Ang nagtulak sa akin upang manatili pa rito ay samahan siya sa mahabang sandali habang siya ay nagpapahinga. Nakikinita ko ang kakaibang tingin niya at para bang sinasabi nito na kailangan niya ng kasama. Masyado lang ba akong nag-a-assume upang isipin ito? O baka mali talaga kung ano ang nasa utak ko? I’ve seen him for years. Simple lang ang paghanga ko sa kaniya. Sa tuwing nagpapaskil ng tarpaulin ang school sa gate, hindi nawawala roon ang kaniyang imahe at ang kaniyang achievement. Humahanga ako dahil nagagawa

