ISSABELE "Anong problema nun? Kailan pa siya naging grumpy? Nahawaan ko na ba siya ng pagiging masungit?" Tanong ko sa sarili ko habang tinutuloy ko ang pag kain ako sa kusina habang nakataas ang paa sa upuan. Kanina ko pa to nginangatngat na mga mani at sa totoo lang ay masakit na ang gilagid ko pero hindi ko pa rin tinitigilan... Ewan ko ba bigla ko nalang na tripan na kumain ng mani,hindi naman ako kumakain nito dati eh pero ngayon feeling ko nagugutom ako pag wala nito. "Sino bang kinakausap mo riyan?" Tanong ni manang lina habang nag pupunas ng mga platong hinugasan niya. kunot ang noo niyang nakatingin sa Akin na marahil ay kanina Pa nag iisio kung bakit ako bulong ng bulong. "Sarili ko po..."sagot ko sa kanya na namumukol ang pisngi. "At bakit ka naman bulong ng bulong? May

