KAKAUPO lang ni Emerald sa kaniyang office chair nang mag-beep sa isang text message ang phone niya. Kinuha niya iyon mula sa loob ng kaniyang bag at tiningnan kung sino ang nag-text. Ngumuso siya nang makita ang pangalan ni Gabriel sa screen. She opened his message. Gabriel: I just arrived at my cousin's law firm. Katatawag lang din sa akin ni Manong Pilo na nasa opisina ka na rin. I miss you. Biglang sumipa ang dibdib niya at tumibok ng malakas ang puso niya sa huling sinabi ni Gabriel sa text nito. Kinilig siya. Naramdaman niya pa ang pag-iinit ng mukha niya. She misses him too. Napanguso siya. Posible pala iyon? Na kahit wala pang bente kuwatro oras ang nakalipas nang huli silang magkasama, makaramdam kaagad siya ng pangungulila kay Gabriel. At gano'n din ito sa kaniya. And wha

