KINABUKASAN ay maagang nagising si Emerald. Uh, mas tamang sabihin ay hindi na talaga siya nakatulog pa mula nang magising siya dahil sa panaginip niya.
Ilang oras ding nanatili sa kanyang kuwarto si Gabriel para samahan siya. Ayaw nitong umalis hangga't hindi siya nakatulog.
Kung hindi pa siya nagpanggap na natutulog na ay hindi pa talaga ito lalabas nang kanyang kuwarto.
Dahan-dahan siyang bumangon at kaagad inabot ang saklay niyang nasa ulunan ng kanyang kama.
"Kailan kaya ako makakalakad ulit ng wala ka?" aniya habang nakatingin sa kanyang saklay.
Napabuntonghiningang inilagay niya iyon sa kanyang kili-kili. Tumayo siya habang paika-ikang naglakad papasok ng banyo.
Matapos nagawa ang kadalasang ginagawa niya tuwing umaga ay kaagad na siyang lumabas ng kuwarto.
She wants to have a fresh air in the morning. Hindi siya sanay na ganito. At kailangan din pala niyang tawagan si Ma'am Berry, ang manager ng restaurant na pinagtratrabahuan niya.
Kailangan niyang ipaalam dito ang kalagayan niya. Sana maintindihan siya nito at makakabalik pa rin siya sa trabaho kapag gumaling na itong paa niya.
"Good morning po," bati niya sa mga kasambahay.
Nagkakape ang mga ito nang pumasok siya sa loob ng kusina.
"Magandang umaga rin sa 'yo, Ma'am,"
Sabay-sabay na pagbati ng mga ito at kaagad pang nagsitayuan mula sa komportableng pagkakaupo ng mga ito sa harap ng hapag.
Nag-uunahan din ang mga ito sa paglapit sa kanya para tulungan siya.
Ngumiti siya at kaagad nagpasalamat sa mga ito nang makaupo na siya sa silyang nandoon.
"Ay naku, Ma'am, walang anuman po. Ako nga pala si Millie," ani ng babaeng medyo singkit ang mga mata.
Maganda naman ito pero medyo kinulang ito sa height.
"Ako naman po si Sabel,"
Napatingin siya sa babaeng nasa gilid niya. May katabaan ito at maiksi ang buhok.
"At ito naman si Dory," turo nito sa katabi nitong payat na babae. Kabaliktaran ito kay Sabel. May kataasan ang buhok nito at matangkad din ito.
"Hello po, Ma'am. Ako po si Dory," anito sa kanya na medyo nahihiya pa.
"Hi, Millie, Sabel, at Dory," aniya.
"Sabel, Dory, iyong inuutos ba sa inyo ni Sir nagawa niyo na ba?"
Kaagad siyang napatingin sa matandang kakapasok pa lang ng kusina at tinawag kaagad sina Dory at Sabel.
"Ay, Manang Henya, hali po muna kayo at nandito po iyong sinabing babae ni Sir Scott kagabi na kailangan namin na bantayan," ani Sabel.
Napatingin naman sa kanila ang matanda.
"Nagugutom ka na ba, hija? Aba'y ang aga mo yata," ani nang matanda nang makalapit ito sa kanila.
"Magandang umaga po, Manang Henya. Uh, okay lang po ba na tawagin ko rin po kayo ng Manang Henya?" medyo nahihiya pa niyang tanong.
Napangiti naman siya nang ngumiti ito at tumango-tango.
"Oo naman, hija," magiliw nitong tugon.
Nabaling ang tingin niya sa tatlong babae nang makita niya ang mga itong nagsisikuhan at bumubulong-bulong pa.
"Sabel, ano na naman ba iyan?" sita ni Manang Henya sa babae.
Tabingi naman itong ngumiti at humarap sa kanya.
"Ma'am Emerald, puwedeng magtanong?"
Nakangiting tumango naman siya. "Oo naman, Sabel. Ano ba iyon?"
"Paano ba kayo nagkakilala ni Sir Scott?" sabay na tanong ng tatlo sa kanya, na tila nag-uunahan pa.
Napangiti tuloy siya. Pero pagkuwa'y nangunot ang noo niya. Sino ba iyong Sir Scott na sinasabi ng mga ito?
"Sabel, Dory, Millie, magsitigil nga kayo," saway kaagad ni Manang Henya sa mga ito na ikinangiwi naman ng tatlo.
"Eh, nagtatanong lang—"
"Tumigil kayo," seryoso ng saway ng matanda na ikinatahimik ng mga ito.
Nakita pa niyang suminyas si Sabel na isi-zipper na nito ang bibig. Ganoon din ang ginawa ni Millie.
"Ah, sino ba iyong Sir Scott na sinasabi niyo?" kuryosong tanong niya.
Tila parang iisang ulo naman ang tatlo na napatingin sa kanya.
Si Manang Henya ay nakakunot ang noong napatingin din sa kanya.
Kita niya sa mga mukha ng mga ito ang hindi makapaniwalang hindi niya alam kung sino ang tinutukoy nitong Sir Scott.
Eh? Hindi naman talaga.
"Ha? Hindi mo alam kung sino si Sir Scott?" Sabay na namang tanong ng tatlo sa kanya.
Kagat ang kanyang ibabang labing umiling-iling siya.
"Hindi po, sino po ba iyon?"
Nakita naman niyang nagkatinginan ang tatlo, pagkatapos ay tumingin ulit sa kanya.
"Ano ba ang pakilala niya—"
"Good morning."
Agad natigil si Manang Henya sa pagsasalita nang marinig nila si Gabriel. Sabay-sabay din silang napatingin sa may pinto kung saan kapapasok pa lang ng lalaki.
Naka-white V-neck t-shirt ito at itim na pajama. Magulo rin ang buhok ng lalaki na halatang kagigising pa lang at hindi pa nasayaran ng suklay.
Bigla na namang tumibok ng malakas ang puso niya nang magtama ang mga paningin nila. Malamlam ang abuhing mga mata nitong nakatingin sa kanya. May nakita rin siyang lungkot na dumaan sa malamlam nitong mga mata. Is he sad? But why?
Siya ang unang nag-alis ng tingin at napunta iyon sa mga braso nito. Napalunok siya. Ilang ulit na bang sumayad ang katawan niya sa ma-muscles nitong mga braso?
"Good morning, Sir Scott."
Napakurap siya at kaagad umawang ang bibig niyang ibinaling ang tingin sa tatlong kasambahay. Pagkuwan ay ibinalik niya ang tingin kay Gabriel. So, ito pala ang Sir Scott na sinasabi nina Sabel at Dory.
Pero bakit Gabriel lang ang binanggit nitong pangalan nang tanungin niya ito noon?
At naalala niya ang mga reaksyon ng tatlong babae kanina. Para bang ayaw ng mga itong banggitin ang pangalang Gabriel. O baka guni-guni lang niya iyon.
She immediately shrugged that thought.
"Good morning, baby," ani Gabriel ng makalapit na ito sa kanya.
Umuklo pa ito para halikan ang kanyang noo at pagkuwa'y naghila ng silya at naupo sa tabi niya.
Biglang uminit ang mukha niya. Ihh!! Kinilig tuloy siya, at sa gilid ng kanyang mga mata ay nakita naman niyang namimilipit din sa kilig ang tatlong babae.
Nakita rin niya si Manang Henya na nakangiti habang nakatingin sa kanila ni Gabriel.
Pagkuwan ay binalingan nito ang tatlo at suminyas na lumabas na ang mga ito. Pero hindi pinansin ng mga ito ang matanda.
Kung hindi pa ang mga ito tinulak ni Manang Henya ay hindi pa talaga mga ito lalabas.
"How's your sleep?"
Napatingin siya kay Gabriel ng magtanong ito. Seryoso ang mukhang nakatitig ito sa kanya.
"Uh... o-okay lang," aniyang halos hindi makatingin sa lalaki.
His gray eyes were looking at her intensely.
Naiilang tuloy siya sa paraan ng pagtitig nito sa kanya. Na tila ba hinihigop siya nito at gustong dalhin sa lugar kung saan sila lang dalawa ang magkasama.
Dagdag pa na halos magiba na ang rib cage niya sa sobrang lakas ng t***k ng kanyang puso. Kalabisan man pero nangangamba tuloy siyang baka marinig ng lalaki iyon.
"I know, you're not," he said.
Hindi rin nagbago ang tinging ipinupukol nito sa kanya.
Napayuko siya. Narinig naman niya itong nagbuntonghininga pagkuwa'y tumayo. Sinundan na lang niya ito ng tingin at pinapanood itong nagtitimpla ng kape.
Nang bumalik ito ay may bitbit na itong dalawang tasa. Pero nagulat na lang siya nang ilapag nito iyong isa sa harap niya.
"Drink it, it will calm your nerves," sabi nito at bumalik na sa pag-upo.
"Salamat," aniya.
Tumango lang ito at humigop sa kape nito.
Ilang sandali pa, ay busy na ito sa cellphone nito.
Kumunot ang noo niya. Ang aga-aga at cellphone kaagad ang inaatupag nito.
Matapos ang kanilang almusal ay inutusan nito sina Sabel at Dory na bihisan siya dahil may pupuntahan daw sila.
Hindi na rin siya nang-uusisa pa at sumunod na lang sa dalawang babae. Kahit na madaldal ang dalawa pero gusto niya ang mga itong kasama.
"Perpek!" patiling sambit ni Dory nang makita ang ayos niya.
"Dory, perfect iyon, day. Hindi perpek." nakangiwing wika ni Sabel sa kasama.
"Ayy, gano'n ba iyon. Ohh, sige per—ah, basta iyon na iyon," anito na ikinatawa niya at ni Sabel. "Tingnan lang natin kung hindi ma-pool si Ser Scott sa'yo, Ma'am Era." dugtong pa nito na ikinawala ng tawa ni Sabel.
"Ma-fall, Day. Hindi ma-pool. Ano iyon swimming pool?" nakangiwing pagtatama na naman ni Sabel kay Dory sa mali-mali nitong pagkakabigkas sa salitang fall.
Napangiti na lang siyang nakatingin sa dalawa. Hanggang sinundo na siya ni Gabriel sa kanyang kuwarto.
Nakatanggap pa siya ng panunukso sa dalawang babae na ikinailing lang niya.
Pero napapansin talaga niyang ilag ang dalawa sa amo nito. Napaisip tuloy siya, ano kayang klaseng employer si Gabriel sa mga tauhan nito?
"Saan ba tayo pupunta?" nagtataka na niyang tanong nang makitang hindi na pamilyar ang daang tinatahak nila.
"Municipal Hall." tipid nitong sabi at bahagya lang siya nitong sinulyapan at kaagad ding ibinalik ang tingin nito sa daan.
Kinabahan kaagad siya. Ano naman ang gagawin nila sa Municipal Hall?
"Ha? Bakit? Anong gagawin natin doon?"
"Magpakasal." Bale-walang sabi nito na ikinatigagal niya.
Wala sa sariling napatingin siya sa kanyang suot.
Oh God! Kaya ba kulay puti ang dress na suot niya at hanggang sa takong pa niya ang haba?
At bago pa man siya nakapag-salita ay huminto na ang sasakyan nito sa tapat ng malaking Municipal Hall dito sa Makati.
Nakatingin lang siya kay Gabriel ng magtanggal ito ng seatbelt pagkuwan ay nagmamadaling bumaba ng sasakyan.
Nagulat pa siya nang bumukas ang pinto na nasa tapat niya. Ito na rin ang nagtanggal sa suot niyang seatbelt at walang sabi-sabing binuhat siya.
Nakita pa niyang may taong lumabas mula sa Municipal Hall at may dalang wheelchair. Para yata iyon sa kanya pero umiling lang si Gabriel sa lalaki at tuloy-tuloy na pumasok sa loob ng Municipal Hall.
"G-Gabriel, sandali." Pigil niya sa binata kaya huminto ito sa paglalakad.
"What?" he asked, hindi niya mabasa kung ano ang mga iniisip nito.
Pero bago pa man niya nasabi rito ang gusto niyang sabihin nang marinig niya sina Yelena at Scarlett.
"Kuya Gab, Era." Si Scarlett na kaagad ng nasa harap nila ni Gabriel. May bitbit pa itong bouquet.
Hindi na siya nakapagsalita pa hanggang pumasok sila sa isang malaking kuwarto. Nagulat pa siya nang makita niya roon ang mga pinsan ni Gabriel.
"Damn, brute! Mabuti na lang at maluwag ang schedule ko ngayon," sabi ni kuya Jacob. Karga nito si Cleo Elizabeth na natutulog pa sa balikat nito.
"Thanks for coming," tugon naman ni Gabriel habang inilalayan siyang maupo sa wheelchair na dala nang taong sumalubong sa kanila kanina.
"Wait, kuya Gab, aayusan lang namin si Era," sabi ni Scarlett sa kapatid nito at hinila ang wheelchair niya at pumasok na naman sila sa isa pang kuwarto.
"Oh God, Emerald! I never thought this will be coming. Tell me, bakit ka magpapakasakal—I mean magpapakasal kay Gabriel?" hysterical na sabi ni Ate Heejhea nang tuluyan na silang makapasok sa loob ng isa pang kuwarto.
Nakita naman niyang napangiwi si Yelena sa tinuran ng bayaw nito.
"Helping him," nakangiwing sagot niya, na ikinasinghap naman nito ng malakas.
"I knew it. God! That last will and testament na naman," nanlulumong sabi ni Ate Heejhea. Naupo sa malaking couch na naroon.
"Ate Jhea, please give your blessing to Era to marry my kuya," pakiusap ni Scarlett kay Ate Heejhea.
Napatingin sa kaniya si ate Heejhea. Naniningkit ang mga mata nito habang tinititigan siya ng mabuti, na tila doon nito malalaman kung napipilitan lang ba siya o hindi. Baka na-blackmail siya or something.
Ang totoo hindi naman siya napipilitan lang. Oo noong una ay ayaw niya. Dahil sino ba'ng babae ang magpapakasal sa taong hindi niya kilala at wala pang involve na feelings? Wala naman siguro, hindi ba?
Yes, there's a part that Gabriel blackmailed her pero puwede naman niya iyong tanggihan at maging matigas na lang ang kanyang puso.
But things happened that she can't control. She fell in love with Gabriel in that short period of time.
She said yes not because of Scarlett or her classmates. She said yes because she wanted to marry Gabriel too, kahit na sa side nito ay isa lang siyang proxy sa babaeng gusto talaga nitong pakasalan.
Masakit. But that's the reality.
Nang umuo si ate Heejhea ay panay ang pasalamat ni Scarlett dito. Si Ate Heejhea rin ang naghatid sa kanya kay Gabriel.
"You may now kiss your wife, Gabriel." sabi ng Judge na nagkasal sa kanila. Napag-alaman din niyang Ninong pala ito ni Gabriel sa binyag nito at kaibigan din ng Mommy ni Gabriel na isa rin pa lang Judge.
She wondered, kung alam ba ng mga magulang nina Gabriel at Scarlett itong pagpapakasal nila ni Gabriel.
Nandito kasi lahat ng pinsan ni Gabriel maliban sa mga magulang ng kanyang asawa.
Natauhan lang siya nang may mainit at malambot na bagay ang dumampi sa kanyang mga labi.
Dampi lang iyon, pero pakiramdam niya mababaliw na siya sa sobrang kabog ng dibdib niya.