๑ ๑♡✿♡๑ ๑ LIAM's POV "Liam are you listening? Stay focus would yah?" Napatingin ako kay kuya Zion na ngayon ay masama ang tingin sa'kin pero halatang may pag-aalala sa mga mata. Napabuntong hininga na lang ako at yumuko sabay hawak sa ulo ko. "Ano bang nangyayari sayo?" Tanong niya at hindi ko na mapigilan magreklamo sa pinakita ni Kim kahapon. "Si Kim kasi eh," reklamo ko sa harap niya at buti na lang walang ibang tao sa office ni kuya kung hindi kaming tatlo lang nila lolo Satoshi. "Who's Kim? Girlfriend mo apo?" Tanong ni Lolo at tumango ako kasabay ng pamumula ng mga pisnge ko. "Hu? Girlfriend mo eh hindi mo pa nga napapasagot?" Sabi ni kuya Zion at ang lakas talaga niya manira ng pangarap ng iba. "Well malapit na," sagot ko sabay kuha ng tablet ko at sinubukan mag focus sa tra

