๑ ๑♡✿♡๑ ๑ LIAM's POV Friday night ngayon at inaasahan ko na makakasama ko siya nang matagal dahil week ends na bukas. Ito 'yung paborito kong araw sa buong linggo dahil mas makakapagpuyat ako habang katabi ko siya sa sofa at may two days ako para masolo siya. Pero bakit ganito Kim? Bakit ka ganito ngayon? Sinisira mo week ends ko! "Tapos iyon nga Liam, si Migs na 'yung nag-asikaso sa mga trabaho ko kasi sobrang sakit ng puson ko, mantakin mo 'yun hindi naman siya writer pero alam niya 'yung mga mali at kailangan gawin sa pag-e-edit," pagkukwento niya habang panay ang kain ng ice cream, siguro pangalawang galon niya na 'yan. "Oh tapos?" Tanong ko habang nakasalumbaba sa sofa. "Napasa ko on time 'yung trabaho ko nang wala akong ginagawa tapos binigyan niya pa ko ng ticket para sa book

