๑ ๑♡✿♡๑ ๑ LIAM's POV Minsan talaga na sa huli ang pagsisisi. Hindi ko akalain na magiging ganito ang kalalabasan sa katangahan ko nung gabing 'yun, kung alam ko lang na hindi niya ko papansinin ng buong linggo ay baka sinunggaban ko na siya nang tuluyan. Ang tanga ko! Sobra ko siyang na disappoint sa mga kinilos ko nang gabing 'yun at ngayon para akong timang na hindi siya matitigan sa mata. Kung hinayaan ko lang sana ang sarili ko na angkinin siya edi sana masaya ang junjun ko at hindi niya ko masamang tinitignan kada uuwi ako. "Hays," napabuntong hininga na lang ako habang nakasalumbaba sa office ko. May sarili na kong office ngayon at ito sana ang araw na ise-celebrate naming dalawa ang pagiging director ko sa company pero dahil sa kahunghangan ko, ni makausap siya hindi ko magaw

