๑ ๑♡✿♡๑ ๑ JHUSTINE'S KIM POV Napabalikwas ako nang gising at napahawak sa noo ko sabay mulat sa mga mata ko. Inikot ko ang tingin ko sa buong paligid at napakamot ng ulo. Anong oras na ba at saka bakit andito ako sa loob ng kwarto ko? Alam ko ay nakahiga ako sa sofa at pakiramdam ko doon ako nakatulog kagabi pero bakit ako nasa kama at nasa loob ng kwarto ko? "Hmm naglakad ba ko mag isa papuntang kwarto?" Tanong ko sabay kamot sa ulo ko at hikab. Bumangon na ko at dumretsyo sa banyo, pagtapos ko maghilamos at magmumog ay pumunta na ko sa kusina para mag umagahan at bahagyang napangiti. Hindi ko matatanggi na masaya akong makakita ng inihanda niyang pagkain sa ibabaw ng mesa ko. Ibig sabihin lang nito na hindi niya ko kaya matiis kahit na humingi ako sa kaniya ng oras at space para

